1 photo a-2.jpg 6 photo f.png 7 photo g.jpg 2 photo b-2.jpg 3 photo c-2.jpg 4 photo d.jpg 5 photo e.jpg  photo h-1.jpg

NAVIGATION

THE END

4 years ago


Nagsimula lahat sa isang pagtatagpo. Pinagtagpo tayo ng pagkakataon. At muli pinagtagpo tayo ng tadhana.

Natutunan kitang hangaan. With that, pinanood kita sa malayo. Nagustuhan kita. Ang lahat sayo... Ay GUSTO KO.

Muli, pinaglaruan tayo ng pagkakataon, ang pangarap ko. Unti unting natupad. Hanggang sa...
IPAGLAPIT NA TAYO NG TADHANA.








MINAHAL KITA,MINAHAL MO AKO


Nagsimula lang naman to sa munting pansinan, napansin kita, nagkainterest ako sayo. Sinubaybayan kita, nagustuhan kita. Gusto kita, kaya gusto ko palaging nandyan ka. Hanggang sa...
TINAMAAN NA AKO NI KUPIDO.


Ang first crush ko, ang kababata ko, si Kevin. Ang una kong kinamuhian, ang bestfriend mo, si Zeji. Ang taong nakaalitan ko, ang malapit sayo, si Daison. Minahal nila ako. Pero nung ikaw na...nakilala ko na ang FIRST LOVE KO, ang taong gusto ko.



Ako si Mau, ito ang love story ko.






"Wooh! Natapos narin! Ready na ako para sa mamayang event!" lahat kami may maskarang suot.

Pinaglalaruan nga naming magkakaklase. Parang 'bulaga' lang. Valentines na kasi ngayon. At mamayang mga 5 magsisimula na ang event.

"Pau!" tinawag naman ni Zeji si Pau. Magkatabi lang naman kasi ang rooms namin.

Napasilip ako sa labas habang tinitignan silang paalis. Bakas sa mukha ni Pau ang kasiyahan, masaya ako para sa kanila. Sobra. Palagi silang magkasama. Lalo pa ngayon magkakameron ng couple na sayawan. At may bonfire pa. Magiging masaya to para sa mga couple.

UHM! Bigla ko namang nakita si Daison. Napayuko ako at inayos ang salamin ko at lumingon muli sa kanya. Matapos ang lahat, si Daison nung mga araw na yun..kasama niya si Telle. Ewan ko ba kung nagkakataon lang na magkasama sila, pero..nung malaman niyang naging KAMI ni Drei. Hindi na niya ako masyadong nilalapitan. Labis kong nasaktan si Daison, dahil sa biglaang nangyari.
At hinayaan ko naman syang lumayo. AH! Tumingin sya sakin. Ang mga nasasaktang tingin niya. 'Hayaan mong kalimutan kita, my First Love' I tried to smile, pero...inisnaban niya ako. Sana maging sila na lang ni Telle. Sana makapagmove-on agad sya. Sana may mahalin din siya gaya ng pagmamahal na pinakita niya sakin. Naging masama ba ako?


"Mau! Tumulong tayo sa paghahanda ng mga kakainin natin!" yung iba kasi masyadong walang ginagawa.

"oO!" binaba ko ang maskara ko.

Tatakbo na kami. Unahan pa nga eh. Ako naman...masyadong nahihirapan kasi hawak2 ko ang salamin ko habang tumatakbo. Tama pala si Drei, dapat nagcontact na lang ako. Mahihirapan akong magsuot ng maskara. And speaking of Drei...

*BLAG*

"Aray?" napaupo ako. At nalaglag ang salamin ko. Agad namang may nag-abot nun sakin at tinayo ako.

Inayos ko salamin ko at nagpasalamat dun sa taong tumulong sakin na sya ring dahilan ng pagkaupo ko. Nagbump kasi ang mga katawan namin.

"Sala...mat." napatingin ako paa hanggan mukha...yung mukha. It can't be. Bakit sya nakasuot ng salamin.

'Ayoko. Ayokong tinitingnan lang ako ng taong gusto ko sa malayuan. Gagawin ko ang lahat para tanggalin ang harang na namamagitan satin, Mau. Gusto kita. Gusto ko palagi kang nandyan!'

Bigla akong namula nung ngumiti sya at naalala ko pa ang sinabi niya 2 days ago.

"Kitams. Real couple na tayo. Girlfriend." biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

Napalingon ako sa paligid. Madaming tao at tinawag niya akong girlfriend niya...Napangiti ako. Napansin kong si Drei lang pala ang tinitingnan ng mga mata ko. Wala na akong pake sa sasabihin ng iba.

"Sige! Kita tayo mamaya, iniwan na ako ng mga kasama ko eh!" inayos ko ang salamin ko. Ang bilis ng heartbeat ko pero gusto ko ang ganitong pakiramdam.

Aalis na sana ako...

"Mau!!!" lumingon naman ako. Ngumiti siya.




































"I LOVE YOU!"

Imahinasyon ko lang ba? O totoong sinabi niya yun para sakin para pagsigawan sa lahat na mahal niya ako. Ilang beses ko bang sasabihin..









MINAHAL KO TALAGA..ANG TAONG TO.
HTML Comment Box is loading comments...