tik.tak.tak.tik.t-
Yun yung una kong narinig nung unti-unti kong dinilat ang mga mata ko. Tunog ng orasan. Bumangon ako at isinuot yung eyeglasses ko. Letche oh, mahina na ang paningin ko dahil sa pakikipagchat ko kina Mama at Papa na nasa ibang bansa. Sandali, anu na bang oras?
"7-WAAAAAHHhh!!!" nagbihis agad ako at nagsipilyo! 7:45 na, konting minuto na lang at malelate na ako.
Pumunta akong balcony para kunin yung mga sinampay. Sa pagmamadali, biglang nalaglag yun- sa kabilang bahay.
Napatingin ako dun sa lalaking nandun at dahan dahan pa kamong inalis yung anu s may ulo niya-
"AAAAAAhhh!! BASTOS! Bigay mo yan sakin!" hiyaw ko. Magkatabi lang kasi ang balcony naming dalwa dito sa 3rd floor. Halos magkatabi.
Hinampas ko siya ng malakas gamit ang patpat sa may ulonan. Napahawak naman siya sa ulo niya at inayos ang salamin niya.
"Kasalanan ko bang mahawakan yang bra m-" hinampas ko uli siya. And this time napaupo na siya. Loko talaga yung Kevin na yun. >:(
Dali-dali akong lumabas ng apartment. Bumaba ng hagdanan at naglakad patungong school. Napaisip naman ako, magkaklase kami ni Kevin pero bakit di pa siya umaalis? Late na diba!? Hay.. bahala na.
Pagdating ng gate, nag-ayos ako ng konti. Sa may buhok, nagpabango, tumingin sa salamin, at inayos ang eyeglasses ko. Hanggang sa..
"DEFENSE!!! Anu ba habulin niyo ang bola! Depensaaaa!.." ang sipag niya talagang magpraktis. Napangiti ako. Kumpleto na araw ko.
Malimit dun ako dumaan at hindi talaga sa main gate. Kaya wala akong ginreet na guard. Dumiretso na akong room. Bubuksan ko na ang pinto, nang..
"Goodmorning, Mau!!!" Mau Antonette Padua ang buo kong pangalan. At ang cute na sexy'ng babaeng nasa harap ko. Ang 3 years friendship ko, si Pauline Brei Detorres. Pau for short. Bagay kami diba.
"May ass. ka na ba?" nakaupo na kami. Magkatabi pa kami. Tanong niya yun habang kinukuha niya chem ntbk niya. Napahiga ako sa arm chair ko.
"Wala. Alam mo namang hirap na hirap akong mag-aral sa chem diba. :(" nakasibangot kong sabi. Lumitaw naman ang mga ngiti sa labi ni Pau.
"Heto. :)" abot tenga ko namang inabot yun. Dumating naman si Kevin. Hindi siya tumingin sakin. Bumalik na muli ako sa ntbk ni Pau nang madatnan ko siyang nakatitig sakin habang nakahalumbaba.
"Bakit?"
"May napupusuan ka na ba bhestie?" ang tamis ng mga ngiti niya.
Bigla akong namula. Pumasok sa isip ko yung tunog ng bola. Si Andre Dave. Biglang nag-init yung mukha ko. At nagsimula na akong magsagot.
"Wala pa noh." eksaktong tumunog naman yung bell. Napabuntong hininga ako. Thanks lord. Sorry Pau, pero di pa ako handang aminin ang totoo, lalo na ang nararamdaman ko kay AD sa ibang tao..
Nung magrecess, habang naglalakad kami sa corridor ng 4th year, napasok na naman yung topic ni Pau. Na sino ba daw ang napupusuan ko. Kinabahan akong bigla. Tumingin ako sa paligid, baka nandyan lang siya. Nakuu.. Kinakabahan ako.. Kailangan ko ng sapat na tapang. Lumapit si Pau sakin at pinoke ang pisngi ko.
"Sino na kasi!?" nangilabot ako sa ginawa niya kaya nag-init ang mga pisngi ko.
"Uyy.. namumula ka na oh." tinakpan ko bibig niya.
"Wag kang maingay, baka may makarinig sa pinag-uusapan nating yan." pagkaalis ko ng kamay ko, nakasimangot siya. At naglakad palayo sakin. Papunta nga pala kaming rooftop.. Dapat.
Napabuntong-hininga ako. Aalis na sana ako para iwan siya.. pero di ko rin natiis eh. Hinabol ko siya at hinawakan ang kamay niya.
"Ngayon, sasabihin mo na ba?" ang totoo, kahit magbestfriend na kami niyang si Pau sa loob ng tatlong taon. Ang masasabi ko lang, hindi talaga namin kilala ang isa't-isa. Hindi kami open-minded sa isa't-isa. Dito lang kami sa school magbestfriends e..
"Kasi.." ganun pa man. Sobrang bait ni Pau sakin. Ako nga lang ang kaibigan niya dito at ang kanyang pinakikisamahan. Ewan ko ba. Parang ang laki ng pinagkaiba namin in other ways.
"Sino?" nangilabot na naman ako sa biglaang paglapit niya sa mukha ko.
Basta na lang ako tumuro sa may unahang kaliwa namin. Tumigil naman siya at ako naman ay napamulat ng mata.
"Zeji?"
"Huh?" binaba ko na yung kamay ko. Nakatingin parin ako kay Pau.
"Sino siya?" alam kong fake ang mga ngiting pinakita ni Pau nung mga sandaling yun.
Tumingin ako sa tinuro ko. Ang flirt ng lalaking to! Playboy siguro to.. bakit ba siya ang naituro ko. Bakit may tao paka sa pinagturuan ko. >:( Senior naman siya, kaya di rin naman niya ako mapapansin.. ngumiti ako.
"Kaya nga ayaw kong sabihin sayo eh. Kasi di ko kilala ang crush ko." ramdam kong tumingin sakin si Pau. Nakatingin parin ako sa flirt na lalakin yun..
Lalayo na sana ako ng tingin nang bigla siyang tumingin at..
Kindatan ako!.. Waaaah.. :o :o :o