Frenchfries, chips, burger, barbecue, at drinks. Ang dami naman niyang binili. :o
"Dahil masyado kang badshot, dinamihan ko yung mga binili ko." nakakahiya. :-[
"Gusto mo ba dito tayo sa canteen kumain?" nakangiti siya habang nagtatanong. Napatingin ako.. ang daming tao. May isang grupo ng mga babaeng nakatingin dito. Masyadong pacute. Ah sila yung mga sexy'ng babae na nakikipaglandian kay Zeji. Kaya pala ngiting-ngiti to oh. ::(
"Ako na lang magdala ng foods since libre lang naman ako." inayos ko salamin ko at naunang maglakad.
"Sige sa back building na lang tayo."
Kami lang ang nandun. Kumakain lang siya ng tahimik. Walang nagsasalita nang biglang tumunog yung phone niya,
"Hello?"
"Zej! Punta ka dito sa gym.. may meeting ang team!" ang boses ni..
"Tapos na kayong kumain?"
"Aba't may pagkain kaya dito!" ang lakas ng boses ni Angelo. Napangiti si Zeji. Tumayo siya at tumingin sakin. Kumakagat pa ako ng burger.
"Sige andyan na ko." tumayo na din ako.
"Ah.. yung foods, di ubos-" tiningnan lang niya yun.
"Iyo na yan, hintayin mo nga pala kami sa office." tiningnan ko yung plastik. Ang daming natira.
At sinunod ko naman yung sinabi niya. Mag-isa lang ako. 30 mins. wala akong ginagawa. Naisip kong kalikutin gamit nila. Yung iba nandito yung locker, pero kay Andrei nandun sa gym, nung minsang nasira ang palda ko. Tiningnan ko ang computer, kumpleto sila sa technology ah. Malaya silang mag-announ2e dito, ipahayag ang lahat ng kalokohan nila at pwede ring.. kumanta dito si Andrei. :D
May nakita akong iba't-ibang documents. May tigigisa silang documents. Ang mga pangalan, mga kalokohan talaga, may darkdevil, rocknfunk, taz may mga badwords pa.. May I'm with stupid, o open dis as* at kung anu-ano.. Loko-loko talaga ang mga to. May nakita akong naiiba.. with matching panbabaeng pangalan, davetelle??? Dinouble-click ko yun.. At puro isang babae lang nandung picture. Ang ganda nung babae.. mga kalevel niya si Pau. Ang ganda talaga.. Sino 2? May mga name pa like.. ganda noh, loves ko yan, mukhang anghel, anghel sa lupa.. Bading ba ang may-ari ng documents na to? Kristelle Hernandez? Ito pala ang pangalan ng babaeng to. Inayos ko ang salamin ko. Mamaya habang iniscrol ko yung mouse.. Nakita ko ang pangalan ni Andrei, Andrei Dave Rosales.
Kinabahan ako.. parang alam ko na ibig sabihin. Ang babaeng yun.. 'loves ko yan' hindi naman totoong hindi siya interesado sa babae, na umiiwas siya. Siguro ganon lang talaga siya kalayo sakin, hindi ko naman talaga siya kilala eh. Minsan lang nagkrus yung landas namin, pero walang ibig sabihin yun.. Ang nangyaring yun samin.. nangyayari naman talaga sa lahat. Imposibleng mapansin ako ng taong yun kahit gawin ko pa yung best ko. We're not really destined to each other. :(
Idodouble-click ko na sana yung files kahit nasasaktan ako at kinakabahan..
"Ma-" napatigil ako. Ang files na yun ay kay..
:o
:(
:'(
"Mau nandito ka na pala. Nabored ka ba?" napatayo ako. Sa sobrang gulat bigla kong naitumba yung upuan at yung mga papel ay nagsilaglagan.
Ang sakit-sakit. Agad akong lumuhod para ayusin yung papel. Agad namang inayos ni Zeji yung upuan.
"Files pala ni Drei ang tinitingnan mo." napatigil ako.
"Si Telle, alam mo ba na siya yung dating nasa katayuan mo-" tumayo agad ako at nilagay yung papel sa may lamesa. Aalis na sana ako-
"Nakita mo ba lahat?" hindi ko alam kung anu to. Pero nasasaktan ako. Ngayon lang ako nalinawagan.. akala ko we make and choise our own destiny, pero.. dahil ba sa masyado akong nagmove-forward. Akala ko ok lang pero.. dapat pala ginamit ko yung utak ko. Malabo talaga, malabong mapansin pa niya ako.
"Mau." nakatitig si Zeji sakin. Nag-aalala ang mga mukha niya.
:'(
:'(
*sob*
Saka ko lang napansin na..
*sob*
Umiiyak pala ako.. :'(