1 photo a-2.jpg 6 photo f.png 7 photo g.jpg 2 photo b-2.jpg 3 photo c-2.jpg 4 photo d.jpg 5 photo e.jpg  photo h-1.jpg

NAVIGATION

Love.14

"Ok, see you tomorrow class." nakatulala ako. Ibang araw na naman.. pero parang bang wala naman akong nakalimutan. Nandito parin hanggang ngayon yung sakit.

"Mau!"

"Uy, tara na." tumayo naman agad ako. Habang naglalakad ako, bigla naman akong nasagi.

"Mau?" inayos ko agad yung ntbk na nasagi ko. Nakita ko yung pangalan.. kay Pau.

"Salamat." at umalis na agad siya.. Nang di man lang niya ako tinitingnan. Hindi na kami nag-uusap. Pero para sa iba normal lang yun.. Hindi naman kasi namin kailanman nabanggit na magbestfriend kami. Pero nakakapagtaka huh.. Bakit ba siya nagagalit ng ganyan? :(

"You may sit." ilalagay ko pa lang yung ntbk ko nang makita ko na yung reply niya. Hindi yung isa ang nereplayan niya kundi yung maliit na message sa may sulok.

Quote

"Ganon ba. Ok lang yun. At least di na ko bored. Kahit medyo nakakapagod, hindi naman masamang maging babae eh. XD"



reply ni Andrei, atleast dito may connection kami. Pero kahit ganon.. gusto kong malinawan. :(

Quote

"Dahil ba sa gusto mong babae? Siya ba, napapasaya ka ba niya?"



At di rin nagtagal.. Nagtime na. Nireplayan ko siya.



"Ah nandito na pala kayo." inayos ko yung table at hinanda ko yung makakain nila. Inayos ko rin salamin ko. "Pasensya na, yan lang budget natin?" napatingin ako sa lahat, wala na namang Andrei.

"Mabuti naman at alam mo na ang schedule mo Mau." ayoko sa mga lalaki.. pero sa huli, sa kanila pa ako mas napalapit. Sigh.

"15 drinks pala hinanda mo."
"Ah pasensya na. Hindi ko naman akalain na-"

"Busy'ng tao talaga si Andrei. Palagi pa niyang gustong mag-isa. Nakakain ka na ba?"

"Ah oo." napatungo ako. Naiilang ako.,

"Sa budget ng Dred ka kukuha ng pambili ng pagkain para sa lahat, including you." napatingin lahat kay Daison.

"Kaw ba yan tol?" binato niya ng papel si Daison. At nagtawanan sila.


Nung matapos ang araw, bumalik naman akong muli sa office at naglinis. Bawat sulok nilinis ko yung gamit nila. Nung una kong punta dito.. ang gulo-gulo! Sobra! Dahil lang ata sakin kaya lumilinis to. Mga lalaki nga naman. Umalis na ako pagkatapos. Naaninag ko pa ang basketball court, nandun parin yung ibang players. :)

Papunta na akong locker nang.. ??? :o

Nagkaeye-to-eye kami. Pero syempre dahil gwapo siya dapat nga naman siya ang unang mang-isnab. Sama talaga nitong makatingin. Nagpalit na ako ng sapatos. Lumapit naman siya sakin. Akala ko ba malaki talaga galit nito sakin. ???

"May kasabay ka ba?" nagulat ako ng konti nung itanong niya yun. Medyo madilim na pala?

Napatungo ako at inayos ko salamin ko saka ko siya tiningnang muli.

"Wala." tapos umalis na siya. Medyo nagtaka ako ng konti huh. ???

"Anu ba! Uuwi ka pa ba?!" bigla niyang sigaw. :o ganto naman look ko.

"Huh?"
"Wala naman din akong kasabay kaya sabay na tayo." tapos naglakad na siya. Ako naman, e baka lumalim galit nito kaya di na ko nagdalwang isip.

"Sori nga pala sa inasta ko nung araw na yun." nasa likod niya ko at halos walang umimik samin kanina pa.

"Yun. Diba nasampal nga kita at nasuntok ka ng kaibigan mo," nakatungo ako. At nakakainis isipin na paulit ulit ko tong sinasabi Kaya nasagi ko siya.

"Naku, p-pasensya." lumayo agad ako.

"Pero pinahiya kita. Atsaka tang* ka talaga noh. Paano ka nakakalakad kung palagi kang nakatungo, yan tuloy mag-aapologize ka ng di mo man lang nalaman na huminto talaga ako. Tss!" yabang talaga nito.

Naglakad muli siya. Wala na namang usapan to oh.

"Dito na lang ako at salamat." umalis na ako. Pero di pa ako nakakalayo..

"Sa mga susunod na araw, ayoko ng umuuwi ka ng ganito." nilingon ko siya. ???

"Bakit, dala ka na bang masuntok at masampla?" napangiti ako. Medyo napatakip siya ng bibig, parang nahiya siya.

"Sinusubukan mo ko! >:( Ganito ka na laging uuwi pagschool-days! Sasabay ka sa team!" atsaka siya umalis muli. Di ko talaga maintindihan ang mayabang na yun.

???

:o


WAAAAaAhh! Bakit naman ganun kagabi na.. Sigh.
HTML Comment Box is loading comments...