1 photo a-2.jpg 6 photo f.png 7 photo g.jpg 2 photo b-2.jpg 3 photo c-2.jpg 4 photo d.jpg 5 photo e.jpg  photo h-1.jpg

NAVIGATION

Love.16

Feeling ko ang sama sama ng pakiramdam ko. Mukhang ayaw ko munang pumunta sa club. Kung pwede nga lang e. Pero dahil sa manager ako.. hindi rin pwede :-/

"mau okay ka lang ba? ang lungkot mo ah? bakit nag-iisa ka dyan, tara, sumama tayo sa kanila.. magkwentuhan tayo." sabi ni Pau habang hinihigit pa ang kamay ko.

"Uhm ano.."

"Masama ba ang pakiramdam mo!?" umupo siya sa harap ko. Tumungo lang ako. Hindi ko talaga feel ang araw na'to. Nanlalambot ako.

"Halika, dadalhin na lang kita sa clinic." bigla naman niyang hinigit ang kamay ko.

Wala din naman akong choice. Ayoko talaga gumalaw ngayong araw na'to. Ewan ko ba..

Mga 2 oras umabot ang tulog ko sa clinic. Mabuti na lamang at naexcuse ako ni Pau. Napakabait niya talaga. Alam niya agad kung kailan masama ang pakiramdam ko. Hayy.. buti na lang at nging kaibigan ko siya.

"Mau!?" kababalik ko lang pero mga ngiti na agad niya ang sumalubong sakin.

Alam niya na babalik ako? haha! kaibigan ko talaga siya.

"anong ginawa niyo?"
"Pinagpaalam nga pala kita sa Dred team na hindi ka makakaattend ng club nila. since masama ang pakiramdam mo.. sa tingin ko naman maiintindihan ka nila." agad naman akong lumingon sa kanya.

:o :O

"OHMYGOD!!!"



dali dali akong tumakbo papunta sa office. May practice nga pala ang team. HIndi pwedeng wala ako dun. ARGH! nakapairesponsable ko talaga!


step.step.step.

Ppalapit na ako ng paaplapit sa office.. pero.. bigla na namang luamkas ang tibok ng puso ko. Natatakot ako. Nanghihina ako. Nasasaktan na naman ako. Ang lugar kasing ito.. ay ang lugar ng taong yun.. ng TAONG GUSTO KO. na kahapon lamang.. nakatanggap ako ng PINAKAMASAKIT NA SALITA galing sa kanya. :'(

Kapag naiisip ko ang mga salitang yun.. napapaisip ako na, OO nga naman.. wala akong dapat pakelaman. Wala lang naman ako sa kanya diba? :(


Nakakapagtaka, bakit ba ako nasasaktan ng sobra? Wala naman dapat akong ikaiyak diba? Wala akong makitang tamang dahilan para umiyak ako. Tanga lang talaga ako. :'(

"Pasensya na kung late ako." sabi ko, dapat normal lang. Pero nagpahalata parin ako, hindi ko kaya, hindi ko kayang humarap ng ganito sa harap niya.

"Puro pasensya ka na lang ba?" ginalit ko na naman si Daison. :-[

Pero kahit ganon, nandyan naman si Zeji para saluhin yung kahihiyan ko. Sumunod yung iba na magpapraktis na. Hindi ko naman sinasadyang mapatingin kay Andrei. Hindi ba dapat, huwag akong tumingin sa kanya kasi.. Baka makita niya sa mga mata ko na umiyak ako.

"Andrei, bakit di ka pa nagpapraktis. Susunod ako."

Ang dami ko talagang saviors sa buhay. Ayokong malaman pa niya yung totoo. Umalis na si Andrei pero di rin nagtagal si Zeji.

Mag-isa na lang ako. Habang inaayos ko ang makakain nila, ginawa ko talaga ang lahat para maging busy ako at di na lang maalala yung nangyari.. Pero.. kahit anung gawin ko. 'Wala ka namang pake dun!' Tama siya.. :'( :'(

Ang kapal ng mukha mo Mau, sinamantala mo na nga ang pagkakataon na makachat siya pero.. umiral pa ang kasamaan ng ugali mo. Anu bang ginawa ni Andrei.. Anu bang ginawa niya at gustong-gusto mo siya. Sa totoo lang hindi niya intensyong saktan ako, malay ba niya. At sino ba ako.. alam ba niya lahat. At pagsinabi ko ba, sasabihin niyang.. 'Sori, di ko naman alam na gusto mo ako' pero may gusto siyang iba. *teardrops* Bakit ba ang tanga-tanga ko.. Bakit nagpadala ako sa emosyon ko.. hindi ko dapat ginusto ang taong kahit na kelan ay di ko naman talaga nakilala. (.. Ako ang may kasalanan. Hindi ko agad pinigilan ang nararamdaman ko.. hindi dapat ako umasang mapapansin niya. Oo.. umasa ako.. At umaasa parin ako.

Kailan.. Hanggang kailang ang feelings na'to. Gusto ko na'tong mawala. Gusto ko na siyang mabura.. gusto ko ng magmove-on sa lahat. Masyado na akong nagpapakatanga.. Umaasa.. Humihiling ng sobra-

"Wag.. wag kang umiyak."
HTML Comment Box is loading comments...