"Wag.. Wag kang umiyak." napatingin ako. Nararamdaman ko ang pagpatak ang luha ko, ang walang tigil na pagluha nito. Nakatingin lang ako sa kanya, lumapit siya sakin. Lumuhod siya sa harap ko.. gamit ang panyo niya.. Pinawi niya ang mga luhang yun. Dun.. mas naramdaman ko ang sakit.. ang sobrang sakit.
Tinakpan ko ang mukha ko. Umiiyak na talaga ako.. hindi ko maalis.. hindi ko mapigilang umiyak. Ang sakit-sakit.
"*sob*Tama na.. ayoko na.. ayoko na.. waaah.. *sob*" nakakahiya.. dahil kahit anung gawin ko.. hindi ko na mababago ang nangyari.
"GALINGAN NATIN TEAM!!! 1 week na lang at LABAN NA!"
"WoOOoh!!!"
3 araw na din ang nakakalipas at mas lalong pang lumala ang pag-iiwas ni Andrei. But for now.. kailangan ko ring umiwas right?
"d-Do your best!" sabi ko habang pinipilit itaas ang kamay ko para icheer-sila.
Nagsmirk si Daison pero nang-isnab parin. Yung iba nag-ok-sign sakin, at ginulo naman ni Angelo ang buhok ko. Tumawa kaming lahat.
"Nag-iimprove na si Manager!"
*laughter*
"Magcelebrate tayo.. mamaya!" lahat ay sumigaw.
Ngumiti rin si Zeji sakin.
Habang nakatungo akong umiiyak, hinawakan niya ang ulo ko.
"Diba dapat hindi umiiyak ang mga babae. Pero naisip mo ba, yang mga luhang yan.. deserving pumatak. Mas cute ka pag.. ngumingiti.. kaya maging masaya ka na lang. :)"
Siya lang yung nandyan para icomfort ako. Ang taong yun..
"Si Zeji?"
"Nakuu.. sigurado di na naman yun dito kakain." pero kahit siya yung taong yun. Kahit di naman niya sabihin.. halata naman.. na simula din nung araw na yun.. ay umiwas na siya. Hindi na niya ako kinakausap. :(
"Hindi ba dapat sama-sama tayo?!"
"Bakit pagwala si Drei, hindi mo siya hinahanap?" nangilabot ako. May konting tuwa pero.. nasasaktan parin ako.
"Eeh.. crush niya si Zej?" nanlaki ang mata ko! Napalingon agad ako kay Drei.. naglalaro siya ng GTA, mabuti naman wala siyang pake.
"Si Daison?"
"Ah.. na.. Nasa.. anu.. Ka-kausap niya si.. b-Brei."
"Ganun. Hahanapin ko silang dalwa!"
Agad akong tumakbo at hinanap sila.
Nasaan ba sila. Pumunta ako sa canteen, backbuilding, sa court, pero ni isa sa mga alam kong pwede niyang puntahan ay wala siya. Naglakad-lakad ako sa corridor ng iba't-ibang level.
"Ahahaha.. ikaw talaga. Sige na.. pupunta na kami. Anu bang oras." mga naghaharutang babae.
"Mamaya.. Wala naman akong gagawin." napatigil ako sa paglalakad.
"Ikaw talaga.. oo na. Pasasayahin muli kita." sabi nung babae habang hinahawakang ang mukha ni.. Zeji. Parang nang-aakit. Kulang na lang at maghalikan sila.
Umalis na ako dun ng walang sinabi. Ayokong maabala ko pa sila. Kahit na aminin kong ayaw ko sa ganung lalaki.. kay Zeji.. Hindi ko siya magawang i-hate. Baka nga.. tapos sinabi pa niyang wala siyang gagawin.. wala nga siguro siyang balak na umattend mamaya sa celebration. :( Hindi ko na lama ngayon ang nangyayari? :( :-[
"Ah!?-"
"So-ri!" tungong-tungo kong sabi. :-[
"Ok ka lang ba?"
"Mau?" napatingin ako sa babaeng nagsalita. Medyo hindi ako makakibo nung kausapin niya ako.
"Palagi ka kasing nakatungo." this time, nginitian ako ni Daison. Nandito ang yabang?
"Pau?" ngumiti si Pau.
"Sorry rin huh. Ok ka lang ba?" napakagentle ng ngiti niya. Napangiti rin ako.
"Oks na!" umalis na sa pagkakaleaned tong si Daison sa pader habang nasa pocket ang mga kamay niya. Lumapit siya sakin at nginitian ako, sinenyas niya rin akong umalis na. Kumaway naman si Pau. Aalis na ako..
"Pwede bang.. makipagsaya ka samin mamaya!" tumungo ako at naghintay sa sagot niya.
"Oo ba." tumingin agad ako.
"Salamat!" ngumiti ako. Masaya ako.. dahil ayos na kami. Hindi na siya galit. :) Kahit feeling ko may konti pa akong problemang naiwan? :(







