"Ang sarap mo palang magluto!"
Nasa H.E. kami. Nagluluto si Pau. Mabuti na lang at nandito siya, hindi na ako naoOP, nabigyan ko pa sila ng masarap na handmade food. Hindi yung bili na lang ako ng bili. Sigh. Paano ko pa mahihigitan yung dati nilang Manager.
"Salamat talaga Pau." inayos ko ang salamin ko. "Don't worry, ako ang maghuhugas ng lahat ng pinagkainan natin. :)"
"Ok lang ako Mau." nagkangitian kami.
Nagluluto si Pau ng barbecue at yung mga players nagkakaraoke na. Wala dito si Zeji. Lumapit naman si Daison. Tinulungan niya si Pau, hindi naman ako makatulong dahil wala naman akong alam sa kusina. Parang nag-iba yung ihip ng hangin. Di man lang ako pinapansin nung dalwang to. Nakatitig lang ako sa dalwa.
"Ako na dyan."
"Hindi ok lang."
:)
Gentleman pala ang yabang nito. Aba't, ang gwapo palang talaga nito. Lalo na kapag hindi to seryoso at suplado. Kaya rin pala nitong ngumiti ng matamis.. pero bakit kaya..
"Daison, o may paminta ka sa mukha." inalis yun ni Pau. Bagay sila sa isa't-isa. Inayos ko salamin ko. Aba perfect couple! 8)
"Saan?" namumula si Daison. Blooming si Pau. Di naman kaya..
"MAU ANTONETTE PADUA!!!" bigla akong nahulog sa upuan.
:o :o
"Aray?!" agad na lumapit si Pau sakin.
"Ok ka lang ba Mau?" inalalayan niya akong tumayo.
Inirapan naman ako ni Daison. Pero imbis na makaramdam ako ng galit..
"Ok lang ako Pau." inayos ko salamin ko. Nginitian ko naman si Daison. Medyo namula naman siya tapos umiwas ng tingin.
"Manager! Kanta ka naman ng isa dito!" ako naman ay nagulat. :o
"Ganda mo daw kumanta eh!" namula ako. :-[
"KaNTA! KANTA! Kanta! Kanta!!!" sumigaw sila ng paulit-ulit. Napatungo ako. Dahan-dahan kong tinuro si Pau.
"Ahahaha. Sige na ako muna." pumunta si Pau dun. Natutuwa talaga ako kasi tinuring ko siyang Bestfriend.
"Isip bata." may biglang nagsalita sa may tenga ko. Napalayo ako ng konting.
"Kitams ang pula-pula mo!" pinat niya ang ilong ko. Nag-iinit nga pakiramdam ko. Tapos pa tumawa siya, ang.. ganda ng ngiti niya. Ang gwapo niya. :-[
Hinawakan ko kamay niya na nakapat sa ilong ko para ibalik sa kanya at lumayo ako ng konti sa kanya. Sobrang close namin.
"Hindi dapat ganyan ang inaasta mo." at umalis na ako. Naupo ako malapit sa mga nagkakaraoke.
"Bakit mo iniwan si Daison?" ang lungkot ni Angelo kahit kumakain pa siya. Kumuha ako ng drinks para sa kanya.
"Salamat Mau." ngumiti ako at inayos salamin ko.
"Hindi ko naman siya iniwan. Baka si Pau, Bakit ba ang lungkot mo?"
"Walang gusto si Brei kay Daison. Ganun din alam ko kay Daison. Pero di pa siya nagkakagf ever since."
"Paano mo naman nasisigurado yan." ang lungkot talaga ni Angelo.
"Tingnan mo, ikaw ang tinitingnan ni Daison at hindi si Brei." unti-unti akong tumingin kay Daison. Nagkaeye-to-eye pa kami. Ako nga ba ang tinitingnan niya. Inayos ko salamin ko at inalis na tingin sa kanya.
"Si Pau.. si Pau nga sabi gusto.." nakita ko si Andrei. Hindi man lang siya makihalubilo. Anu na kayang nangyari dun sa table?
Natapos ang kasiyahan. Yung iba umuwi na dahil sa kalasingan. May iba lasing pa, nakatulog lang. Naghuhugas naman ako ng pinggan. Ang daming huhugasan. Pero carry ko'to! Binanlawan ko lahat ng hugasin at pinatas. Nilagyan ko naman ng sabon yung mga baso't kutsara't tinidor. Dahil madali lang mabilis ko naman nabanlawan yun.. Kaso ang pinggan..
"Mau, kailangan mo ba ng tulong?" si Angelo.
"Ok lang ako. Inaantok ka na pati. Atsaka magpahinga ka na. Maempacho ka pa. Ahaha.." napangiti si Angelo at nakinig naman siya sakin.
Lalagyan ko na sana ng sabon yung pinggan nang madulas ang kamay ko.
"Whew! Ang dulas naman kasi." binigay niya sakin ang pinggan.
"Salamat-"
"Tutulong na ako." sinuot niya yung apron. Nagsimula na siyang magsabon ng pinggan. Napapalayo ako ng konti. Nararamdaman ko parin yung sakit. Ang sakit sa katotohanan na.. wala lang to. Hindi ko dapat nilalagyan ng meaning ang lahat.
"Sabi ko tutulong lang ako. Bakit lumayo ka?" pero ramdam ko parin ang pintig ng puso ko..
Nasaktan man ako.. pero patuloy ko parin siyang nagugustuhan.
"n-Nandyan na! Sori huh.."