1 photo a-2.jpg 6 photo f.png 7 photo g.jpg 2 photo b-2.jpg 3 photo c-2.jpg 4 photo d.jpg 5 photo e.jpg  photo h-1.jpg

NAVIGATION

Love.21

"Mau!" sigaw ni Pau habang kumakaway. Nakatungo ako habang papalapit sa tabing upuan ni Pau.

"Mabuti naman at nandito na lahat." si Daison ang President ng Club since siya naman ay maraming experiences sa activity.

Inayos ko ang bangs ko. Ang daming nakapasok. Sigurado ako na mahuhusay sila since nakikita ko namang magaling pumili tong si Daison, mabuti na lang at magaling na siya. :)

"Magkakamerond tayo ng iba't-ibang grupo. Nalalapit na ang Halloween, magkakameron ng Incoming Program ang Club. At lahat tayo magpipresent!"

45 ang members ng club kaya 9 group ang mangyayari.. 5 per group.

"Yung nakaaasign na group parin ang gagawin nyong role! Kung wala kayong singer, instrument ang gagamitin niyo base kung saang group kayo!
At kung puro singers naman kayo.. mag-isip kayo ng paraan para hindi magmukhang baduy yung group niyo!" nakatungo ako habang tinitingnan kung anung group ako.

"6?" hinahanap ko ang group 6.

Nakita ko si Angelo kinakawayan ako. Tumingin ako sa paligid para maniguradong kung ako nga yun. Lumapit ako sa kanya.

"Hi Mau!"

"Group anu 'to?" nakatungo kong tanong kay Angelo.

"Magkakagroup tayo. Ako, ikaw, si Daison, Rhea, at si Andrei." parang naemphasize yung name ni Andrei sa utak ko.

Pinaupo ako ni Angelo sa tabi niya. Napalingon naman ako kay Andrei. Naggigitara talaga siya.. ngayon ko lang siya natitigan ng ganong kalapit.


Parang tumigil yung oras namin nung aksidenteng nagkatitigan kami sa may bintanang yun. Magkatitigan kami na para bang walang may ayaw na pigilan yun. Umayos na lang kami ng tayo nung maramdamam namin medyo matagal din yung titigan na yun.

"Yung sintas kasi ng sapatos ko." sabi niya habang inaayos yung buhok niya.

"So-sorry!" tumungo ako.

"Ah?-" napatigil siya. Medyo napatungo siya at may narinig ako..

"Ahahaha.. talaga palang tama si Daison. ahahaha.. puro sorry lang ang alam mong salita!" tumatawa siya habang nasa noo niya yung kamay niya. Ang cute tingnan ni Andrei sa pagtawang niyang yun.. ang gwapo niya talaga.. lalo na sa malapitan.

Tumingin siya sakin ng seryoso,

"Hindi.. totoo yun.." sabi ko na parang nangunguso pa.

Pero naghalfsmile naman siya. At tumawa ng konti..


Hindi lang sa tingin si Drei, kung gusto ko talaga siya. Dapat ipaglaban ko siya diba? At dapat handa akong masaktan para sa kanya.

Bigla siyang tumigil sa pagstrumming. Nahuli niya akong nakatingin sa kanya. Pero.. ngumiti siya. :) :o

Medyo nag-init pakiramdam ko pero masaya ako.. sobra!

"Ok dito nagtatapos ang meeting. May 2 araw lang tayo para sa practice. Ang program kasi ay gaganapin pagkatapos ng monthly tournament namin ng basketball team. Gabi yun."

"3 araw na lang pala at laban na nila." may humawak sa balikat ko.

"Kaya galingan mo Mau sa pagsuporta samin." nagnod ako. Kita ko si Andrei sa likod ni Angelo. Ang gwapo niya talaga.


"Hoy labo! Wag ka munang uuwi mamaya. Bukod sa may practice ang team, magkakameron tayo ng maagang practice para sa Club!" sabi ni Daison habang papalapit sakin.

Inayos ko salamin ko. "Oo, tutulong ako ng mabuti sa team." tapos umalis na siya. Dedma ba yun.

"Medyo gumagaan na ang loob sayo ni Fafa Dai." ngumiti ako.

"Andrei!" kinalibutan ako nung biglang isigaw yun ni Angelo. "Tara na!" naramdaman ko naman ang presence ni Andrei sa likod ko.



Habang nagpapractice yung iba, yung members naman na taga C and F ang mga kakulitan ko sa bleachers. Iba't-ibang technique daw para macheer ko ang Team ang tinuturo nila sakin. May nakapamewang na style na galit na expression. Tatawa sila at magbubulungan.

O di naman kaya itataas ko kamay ko ng paulit-ulit sabay sabi ng 'Mga Kulugo takbo/Depensa/Rebound' kung anu-ano pa. Kaso masyadong mahina ang boses ko. Pati yung mga naglalaro naaabala ko na sa mga pinagkikilos ko. Sama nga ng tingin ni Daison sakin eh. Tatawa naman tapos yung 5, medyo mukha na ata akong tanga.

Naglalakad kaming apat sa diliman papunta kina Daison. Tahimik lang sila. Galit pa ata..

Tiningnan ko si Andrei. Pati siya nakatingin sa kawalan.. habang nakaheadphone, nakikinig ng kanta at daladala yung gitara niya habang nasa pocket yung kamay niya. Ang cool niyang tingnan. Parang rockista, malinis nga lang at maaliwalas dahil sa maayos niyang uniform. Ang cool.. at ang swerte ng magiging gf niya.

"Kung may nagawa man akong mali, sori na." napatungo ako.

"Bakit mo kasi kailangan pang mag-act ng ganun kung hindi ka naman ganon."
"Gusto ko lang naman kayong i-cheer."

"I-cheer mo kami, sa paraang alam mo." ang cold na talaga niya. Inakbayan naman ako ni Angelo.

"Yung kung paano ka mag-act kanina. Ganun kasi si Kristelle.. :-[ at hindi maganda kung ipapaalala mo ang senpai manager namin. Matagal kasi namin siyang nakasama. Magulo talaga kami nun.. at sigurado kung ikaw nasa pwesto ni Telle nun, baka sumuko ka na. Halos lahat samin mga tipong gangster." napalingon ako kay Andrei. Rinig ba niya pinag-uusapan namin?

"Kahit si Drei." singit ni Daison. "May pagkaemo kasi ang lokong yan. Moody pa.. pero hindi siya emo magdala ng damit huh." parang ako ba nun?

"Lagi na lang siyang sinisigawan ni Telle. Hindi naman ganun kagalit galit si Drei kung iisipin. Siya pa nga ang pinaka matino samin. Pero snob kasi yan e, seryoso at tahimik. Di gaya ni Daison namamansin pa yan eh at medyo magulo, pero si Drei nun, snob lang siya kahit kanino. Ni di nga niya kami pinapansin e, wala siyang trust sa lahat sa di malamang dahilan."



Nasa bahay na kami nina Daison. Nakaupo ako at nakikinig kay Angelo.

"Pero nabago ni Telle ang ugali ni Drei. Dakilang snobhater si Telle kaya ginawa niya lahat para mapansin siya ng first love niya. At yun nga si Drei."

Pumasok na kami dun sa parang underground nina Daison. Madilim yung place pero nung binuksan na ni Daison yun ilaw. Yung place na yun pala ay pinagpapraktisan ng gig nila. Ang ganda. Parang mini stage ng isang band.. Tapos may billiard pa, video game, at laruan ng dart. Ang ganda..

Napatingin ako kay Andrei, nag-istramming na muli siya.

Si Kristelle, first love pala niya si Andrei simula ng magfirst year tong si Drei sa school nila. Si Andrei kaya, anu bang tingin niya kay Telle? Naalala ko tuloy yung sa may documents niya, nasasaktan lang ako pagnaaalala yun.

"Mau!"

"Huh?" nakatingin si Drei sakin. Nagblush ata ako. :-[

"Dito ka sa tabi ko. Magpapractice na daw tayo, kanta ka ako ang maggigitara." ang gwapo niya para kausapin ako.

Lumapit naman ako kaagad. Nakakausap at nalalapitan ko na si Drei. Tumingin siya sakin, eye-to-eye at talagang sakin lang siya nakatingin habang inistrumming niya ang gitara niya, napaiwas naman ako. :-[

"Nandito na ako!"

"Late ka na naman!" Rhea name niya diba?

"Pasensya naman. Ah?- Hi 4eyes!" napatawa ng konti si Drei. Nakakahiya to.. :-[
HTML Comment Box is loading comments...