1 photo a-2.jpg 6 photo f.png 7 photo g.jpg 2 photo b-2.jpg 3 photo c-2.jpg 4 photo d.jpg 5 photo e.jpg  photo h-1.jpg

NAVIGATION

Love.22

Habang kumakanta, sa kanyang mata lang talaga ako nakatingin. Paano, sabi daw ni Daison kailangan daw na manggagaling sa puso yung kanta. Ang di ko pa alam vinivideo kami ni Rhea kaya todo kaba ako. Pero wala namang sinabi si Andrei. Parang wala siyang pake.. yung gitara lang niya ang pinpakelaman niya. :(

"Anu yang pinapanood niyo? Nagpraktice na ba kayo?" may kasama siyang yaya..

"Kainan na ba?!" sabay na sabi nina Rhea at Angelo.

"Drei, Mau! Tara!-" yaya niya samin. Patayo na ako nang tinawag naman ako ni Daison.

"Halika muna dito. Pagpractisan natin ang boses mo." lumapit naman ako sa kanya. Napansin kong nakatingin samin ang mga mata ni Andrei.

Medyo kinakabahan ako. Umupo ako sa tabi niya. Pero mas nilapit pa ni Daison yung upuan. Hindi na nakatingin si Andrei. Nakatingin lang ako sa kanya at di na siya lumingon. Mabuti pa sina Angelo at Rhea nakatutok sa ginagawa namin ni Daison.

"Go."

Pumasok sa isip ko ang mga tingin at titigan namin ni Andrei. Mas lalo pa akong kinakabahan. Feeling ko hindi ako makahinga kanina.

Hindi tumitingin si Daison, nakasteady lang siya sa gitara niya. Ako naman nagpapatuloy lang sa pagkanta.

At nung matapos.. pinanood namin yung video.


"Wow! Ang ganda talaga ng boses mo Mau. Parang singer ka talaga. Ang sarap ulit-ulitin."

"Ang ganda ng kuha niyo."

Inulit-ulit ni Angelo yung video. Pati yung video2 e tiningnan nila ng mabuti. Medyo nagtataka lang ako. ???

"Napansin mo?"
"Oo. Nagbablush si Mau nung video nila ni Daison." nakatitig ako kay Andrei. Bigla siyang tumigil sa pag-aayos sa gitara niya.

Napatingin naman ako kina Angelo. Tapos medyo nagtataka rin ako kay Drei.

"Pero kung titingnan. Mas nakakakilig ang video nila ni Andrei." medyo naubo ako sa gulat. Anu bang sinasabi nila. Nag-iinit ang pisngi ko.

Pero paglingon ko kay Andrei. Wala na siya sa pwesto niya. Saan na siya pumunta? :(

"Mas nakikita ko yung romance sa video nila ni Andrei. Nagtititigan kasi sila. At parang bang may feelings sila pareho sa isa't-isa." anu daw. :-[

"Anu ba yang sinasabi niyo.."

Pinilit kong agawin ang atensyon nila kaso masyadong nakatutok yung atensyon nila sa video. Nakakahiya yung mga pinagsasabi nila.

"Pero hindi naman namumula si Mau dun sa video na kasama si Drei. Parang di pa nga siya mapakali sa pwesto niyang kasama si Daison. Naiilang siya!"

"Pero tingnan mo kaya kay Drei. Nagtititigan sila hanggang end nung kanta. Ang mga mata nila parang may pinahihiwatig na something."

Something. Mabasa kaya ni Andrei na may gusto ako sa kaniya? Kung ganon.. kaya ba wala naman akong nakikitang special sa mata niya dahil.. wala siyang pakelam sakin. Di rin niya ako kilala. Di niya talaga ako napapansin. Ngayon lang dahil kailangan.

Biglang tumunog ang phone ko. Hindi parin tumitigil ang pag-uusapan nila Angelo.

"Hello?" sina Kevin.
"Ah uo, patapos narin kami." pumasok na si Andrei. Nagkatinginan kami pero umiwas agad siya. :(

"Hindi pa kasi kami tapos. Mag-iingat ako." masyadong nag-aalala si Kevin.

"Diba tinuruan mo na naman akong magcommute. Kaya wag kang mag-alala. Mag-iingat ako." sabi ko.

Mawawalan pa kasi na kasama si Kerlin kung mag-aabala siyang sunduin ako dito. Nagbye na ako. Pagkatingin ko sa kanila. Walang pumansin sakin.. debale sa mga masasamang tingin ni Daison.


"Sino yun? Yung malaboyfriend mong malabo din ang mata. Ay di na nga pala. Sa bagay, may itsura naman yun. May gusto ka sa kanya noh?" nakita kong nagbulungan sina Angelo na para bang kinikilig pa.

"Boyfriend? Gusto? Si Kevin ay-" naagaw naman atensyon ko nung tumayo si Andrei.

"Uwi na ako." tuluyan na siyang lumabas. Nakatingin parin ako sa kanya.

Bakit ba siya ganon. Pagmoment ko.. parati niyang binabalewala. Nagsasalita ako para mapatunayang wala akong pinag-iinteresang ibang lalaki.. :(

"Sandali lang, sabay-sabay na tayo Drei!"

"Sige na. Baka magalit na naman yung kumag na yun sakin. Piling talaga bf.. tsk!" nang-irap pa siya. Bumulong pa rinig ko naman.

"Tara! Mau!"


Nangungunang maglakad si Andrei. Parang talagang lagi siyang walang pake. Kailan ba niya ako papansinin?

"Ang lalim ng iniisip natin ah." biglang lapit ni Rhea. Nakatingin parin ako kay Andrei. Inayos ko salamin ko.

"Matagal ko ng kilala si Daison. Nagseselos yun." medyo muntik pa akong matakid.

"Anu bang sinasabi mo,"

Tumawa siya.
"Siguro nalove at first sight siya dahil sa lovable punch mo."

Nakuu naman.. baka marinig yan ni Drei. Ayokong mag-isip siya ng kung anu-ano. Bakit ba humantong ako sa ganito. May mga taong napapalapit nga sakin.. pero bakit may common friends na kami.. hindi parin ako belong sa buhay niya.

"Wag niyo ngang lagyan ng malisya ang mga ginagawa niya. Masyado lang talaga siyang galit sakin." sana marinig mo Drei..




"Nandito na ako."

Nakauwi na ako matapos namin maghiwa-hiwalay sa lrt. At ngayon nandito na nga ako.. pero ang likod parin ni Drei ang nakikita ko. Bakit matapos naming kumanta hindi na niya ako pinansin? Kaya lang ba niya kinausap dahil utos ni Daison.

"Nakakapagod."

Pagdating ko sa salas nadatnan ko si Kevin. Tulog siya. ??? Hinintay ba niya ako? May biglang pumasok sa utak ko. Hala.. iniwan ko na naman ang pinto kong di nakalock. Kaya pala siya nakapasok. Lagot ako sa kanya paggising niya.

Pumunta ako sa kwarto.. kinuha ko siya ng kumot. Pagkalatag ko ng kumot sa katawan niya.. nakita ko ang table na may pagkain. Sinilip ko yun. Mga fav. ko. Nag-abala pa siya. Napangiti ako. Di lang yun.. nandun din yung pagkaing palagi kong pinabibili sa kanya para sa team. :-[


Palagi na lang si Kevin andyan..
HTML Comment Box is loading comments...