"GO DRED TEAMmmmmmmmm~!!!"
Ang sigaw ng ped squad namin. Sa karamihan ng tao, kahit papaano ay nakakahabol pa ang boses ng mga supporter namin. Pero ang totoo.. mas kinakabahan ako.
"Miss heto na yung mineral." kukunin ko na sana yung 15 minerals na nakabalot..
"Magandang laro panigurado to. Sync Team vs. Dred Team, sino naman kaya sa kanila ang mananalo? Nung taon Sync ang champion diba?"
Bigla kong nailaglag. Nanlambot kasi ang kamay ko nung marinig ko yung about sa laro.
"Mau!" hindi na ako lumingon pero dalwang lalaki ang lumapit sakin. Tinulungan nila ako.
Nasira na yung plastik kaya pareparehas na kaming nagdala. Nararamdaman ko ang pangangatog ng paa ko. First time kong kasing maging manager ng isang basketball team at makakasama din nila ako sa loob para subaybayan ang galaw nila. Dapat talasan ko ang paningin ko kasi baka may mainjured sa kanila, dapat may confidence ako para makasabay ako kay coach sa pagchicheer sa kanila, at idouble time ko yung bilis ko at sipag oras na magtime-out. Wah.. sasabog na ang utak ko sa sobrang takot sa crowd. :-[
"Nandito na kami!" kumuha sila ng isa-isang mineral.
"Kinakabahan ka?" tanong ni Zeji sakin. Nagnod naman ako. Inakbayan ako ni Angelo.
"Don't worry gagalingan namin." nakakabuti naman yung ngiti nila pambawas ng kaba. Chilax Mau, chilax! Sigh.
"Galingan natin team!!!"
"WOooooooo~!!!" pinagpatung-patong nila ang kamay nila. Napansin ko rin yung mga excited at nakangiting labi nila. Mas kinakabahan pa ata ako sa kanila ah-
"Ah?" nakatingin pala silang lahat sakin. :-[
"Tara manager!" nginitian naman ako ni coach. Papalapit na ako nang mapansin ko si Drei. Nakaakbay sa kanya si Daison.
Nakatingin siya pero agad din namang umiwas nung pumagitna ako sa kanila ni Daison. :-[ Hindi ko sinadya yun ah. Nilagay ko na yung kamay ko. Nasa ilalim ng kamay ko ang kamay ni Drei. Parang nahawakan ko narin ang kamay niya.
"GO.GO.GOoooooo~!!!" medyo natuwa ako sa ginawang pagsigaw nila. Tinaas nila ang mga kamay nila habang sumisigaw. Diko naman alam ang gagawin.. pero nakahawak ang kamay ni Daison sa kamay ko. Nung binitiwan niya agad ko namang hinawakan ang kamay ko. :-[ ???
Nag-init ang pakiramdam ko. Tiningnan ko naman si Daison pero kasabay niyang nagtatawan lahat. Hindi niya siguro sinasadya yun. Napatingin ako kay Drei, ngiting-ngiti siya. Napatingin naman siya nung nagkabungguan ang mga braso namin, nahuli niyang nakatingin ako sa kanya, medyo ngumiti siya ng fake at napatiklop ang mga kamay niya. Ewan ko ba kung naiilang siya.. Pero nginitian niya rin ako, hindi naman ata. :(
Ang saya. Natuwa narin ako. Saka ko naman napansin si Zeji na nasa harap ko. Nakatingin siya sa kamay ko. Sa kamay na hinawakan ni Daison. Iniwasan niya ang tingin ko at tumingin ng masama sa bahaging tabi ko.. kay Daison. Napatingin naman ako kay Daison.. nag-evil smirk siya kay Zeji.
"Tara na!" anung problema? ???
Nakaupo na ako na meron pang table. Katabi ko si coach na nakacrossed-arms. Nakaupo narin ang iba. Di lahat nandito, mga sampo lang, mga seniors at si Zeji at Angelo na 3rd year. Siguro si Zeji ang next kay Andrei as team captain. Nagwowarm-up naman yung lima. Si Andrei, Daison, Zeji, Angelo at Chad- siya yung mabait na senior na nginitian ako nung nakapasa ako sa club.
Pumito na ang referee at magsisimula na ang laban.
Nagkamayan ang mga lalaban. Pumwesto na rin sila. Nung pumito muli ang referee agad na napunta samin ang bola dahil kay Angelo. Di naman kasi siya ganong kataba na parang ang bigat-bigat. Chubby siya na katenga ni Andrei at Zeji. Matakaw lang talaga siya kaya tabachoy.
Nakapoint agad kami. Naging mainit ang laban. Hanggang sa natapos ang 1st quarter. 14 to 9, mas lamang ang kalaban.
Nung mag2nd quarter, nagsimula ng gumalaw-galaw ang team. Di ko masyadong mapansin si Drei, si Zeji ang napapansin ko. Siya lang kasi ang nakakalay-up ng paulit-ulit. Nasa kanya pa ang atensyon ng mga babae sa buong gym. Ang lakas ng appeal niya, paanong hindi may kasamang matatamis na ngiti ang laro niya. Naku oh.. saka ko palang napansin si Drei. Masyado akong nacarried-away sa hiyawan ng mga babae dahil kay Zeji.
"DEFENSE! Defense!~"
"GO SYNC/DRED TEAMmmmmmmmm~!!!"
45-44 ang scores, mas lamang parin ang kalaban. Masyadong seryoso sina Andrei at Daison. Nakakapagslumdunk naman kahit papaano sina Daison at Chad. Ang defense ay kay Angelo. Ang Lay-up kay Zeji at ang 3-pointer ay si Andrei.
Hindi pinapasok sina Zeji at Andrei sa loob ng game nung 3rd quarter. Binigyan ko sila ng tuwalya at tubig. Tinitingnan ko si Drei habang seryosong pinapanood ang team. Ganito pala siya. Ang dami ko pa palang di alam, ngayong medyo malapit na ba ako sa kanya. Mas makilala ko pa ba siya at malalaman ang lahat ng ugali niya, ang iba't-ibang mood niya? :)Nagpatime-out siya nung medyo pagod na sina Daison, Chad, at Angelo. Sinabi niya ang strategy at dapat gawin sa mga pumalit. Ang first 5 naman ang namamahinga, at maigi nilang pinag-aralan ang galaw ng kalaban.
55-55, tabla. Pumasok na muli sila nung 4th quarter. Mas nakakatense pala kapag patapos na, mas umiinit ang laban. Kulang nalang isipin mong magsusuntukan yung mga players.
*PRTttttt~*
Tapos na. Naghiyawan lahat.
"WOooooo!!~"
65-70 ang scores. At...
Bigla akong niyakap ni Angelo. :-[
"PANALO TAYO Mau!!!" nanalo kami. :-[ :D
"Ahaha.." binitiwan naman niya ako kaagad at nakipag-hi5 sa kasama. Ang saya nilang tingnang lahat.
Si Drei na muli ang tinitigan ng mga mata ko. Pinat nila ang ulo ni Drei at nagkaakbayan sila habang tumatawa. Ang cute tingnan ni Andrei.
"Ang galing talaga ng DRED!!!" tawa ng tawa silang lahat. Ang sayang tingnan ni Drei.
"Hm. :)" tiningnan niya ako. Nahuli na naman niya ako. Nakangiti siya sakin. Nakatingin at nginingitian ako ni Drei. Anung gagawin ko.. nagpifreeze ako, waaaah.. nagtititigan kami.
"Masipag talaga ang captain niyo."
Sigh. Naputol ang pagtititigan namin.. may sinabi kasi si coach. Pinat niya ang ulo ni Drei.
"Congrats senyo!"
"Salamat, Coach!" sabay-sabay nilang sabi.
Napakasaya ng araw na'to. :)