1 photo a-2.jpg 6 photo f.png 7 photo g.jpg 2 photo b-2.jpg 3 photo c-2.jpg 4 photo d.jpg 5 photo e.jpg  photo h-1.jpg

NAVIGATION

Love.24

Masyadong pagod ang lahat sa mga activities and events na nangyari. Lalo na kami.. ang Dred team. Pagkatapos kasi ng basketball ay yung concert. Tapos ngayon.. 2 days na lang at Periodical!

Lahat kami todo review, ngayon pa't talagang mahina pa ako sa chem.. pati ata ang geometry ang hirap eh. Mga problem solving pero formula kakaunti. Paano na ang pagiging kasali ko sa honors. :(

"Heto Mau, lahat ng librong yan pag-aralan mo huh." 5 libro agad ang binigay ni Kevin. At lahat ng topic na kelangan namin nakatupi.

"Wow ang sweet ni Kevin."

Inayos ko salamin ko at nilingon ang nagsalita. Si Pau, dala niya ang notes niya sa chem.

"Heto, papahiramin kita nito. Basta pahiramin mo ko ng lahat ng notes mo." ngumiti ako.

"Oo."


Tinulungan nila ako. Kahit sa ibang klase, todo aral ako. Ngayon lang ako nahirapan sa computation dahil sa ibang problem solving na wala namang formulas. Topnotcher pa man din ako pero ibaba ko pa ngayong 3rd year.
Mabuti na lang kamo at pahinga ang basketball team. Kaya studies na lang sila at wala munang practice. Minsan kapag vacand kami, paulit-ulit kong tinitingnan yung mga copies ng examples ni Pau. Buti na lang at nakakatulong yun..
Kung minsan naman, binibigyan ako ni Pau ng chocolate. Mas nagiging matibay na ang friendship namin at masaya ako..



"It's the ratio of the number of moles of one component of a s-s-solution-" kumagat ako ng burger, lunch ko na to.. kailangan ko talagang magsaulo. At kahit papaano eh narerecall ko pa yung mga nasaulo ko kakanina ng walang copies.

"solution.. of the total number of moles.." walang tao ang 4-A. Nasan kaya sila? At bakit ako nandito? "..of all the.. com..p-ponents."

Napatigil ako. Nakita ko si Drei. Hindi ba siya naglunch at nag-aaral siya?

"Aish! Kaasar naman to oh!-" naagaw ang pansin niya nung nahuli niya akong nakatingin.

Humigop ako ng juice at iniwasan ang tingin niya. Naglakad ako ng sobrang bagal. Kinakabahan kasi ako at feeling ko tinitingnan niya ako. Pumapasok sa isip ko yung ngiti at tingin niya sakin kahapon. Hanggang ngayon.. ramdam ko parin yung saya.. at ang kilig-

"Mau!" napatigil ako. Muntik pa nga ako maubo.

Dahan-dahan akong lumingon. Tama ang hinala ko, nakatingin nga siya sakin.
Ngumiti siya ng papilit.. pinagpapawisan siya at parang naiilang sa hiya.



"Di ako makapaglunch hangga't hindi ko napapasaya ang cathleya'ng to. Late kasi ako kanina.. at 10 na ako nakapasok," nakatungo ako habang nakikinig sa kwento niya.

Nandito ako sa room ng 4-A, ang room ni Andrei. Katabi ko siya, kausap niya ako at marami na siyang nasasabi, kinukwento niya ang mga nangyari sa kanya.. at tinawag niya ako.. sa pangalan ko! Ang saya ko!

"Nakakahiya talaga ako. Section A pero di ko kasi talaga maintindihan ang lesson nila kanina. Yang blackboard lang ang guide ko." tumingin ako sa board.

"Imposible man dahil mas mababa ang year mo sakin.. pero pwede bang.." turuan kita?

"..dito ka lang."

:o

Napalunok ako ng 10 beses. Akala ko tama ang iniisip ko.. pero ang samahan siya. Nagfreeze ako.

*thump.thump*

Ang bilis ng heartbeat ko. Pwede na akong mamatay. Di ako pwedeng sumilip sa mukha niya.. baka makita niyang.. ang saya-saya ko.

"Dito ka lang.. kasi wala akong kasama. Kailangan ko ng tulong.. nahihirapan kasi ako.." hindi parin ako umiimik. "Manager ka naman namin diba.. kaya.. pwede kitang kausapin. Tulungan mo naman ako.." kawalan ka Andrei. At mahalaga.. ang lahat ng ginagawa mo sakin ay binabaon ko bilang magagandang alaala.

"Sige.. dito lang ako." halos magusot ko na ang palda ko sa sobrang kaba.
Naramdaman ko ang pagngiti niya.

"Thanks."

Unti-unti.. sinubukan ko siyang tingnan. Parang may bago.. bakit niya ako kinakausap? Bakit sa lahat ako pa? Bakit.. gusto niyang samahan ko siya? Nararamdaman ko yung saya.. ang saya-saya ni Drei.



"Thanks po Miss."

Mabuti naman at nakaabot siya sa pagpasa at 30 mins. Ngumiti pa siya.. parang may magandang nangyari sa kanya.

"Salamat! Mau.." nag-init ang pisngi ko.

"Tara lunch tayo.. libre kita."

"w-Wag na lang, hindi naman kasi ako nagugutom. Ok lang.."

Tumahimik siya bigla.

"Ang ganda ng araw na'to noh?" sa langit siya nakatingin. Alam kaya ni Andrei ang nararamdaman ko ngayon. Na sobrang saya ko kasi nakakausap at nakakasama ko na siya. Pinaparinggan niya kaya ako?

"Para sayo, masaya bang makasama ang taong mahal mo?" tumingin siya sakin.

Bahagya akong napatungo. Nararamdaman ko ang mabilis na kabug ng puso ko. Kinakabahan ako ng sobra.

"5 months na lang at.. college na ako." pabulong niyang sinabi yun. Napatingin ako sa kanya. Alam kong di niya sinadyang marinig ko yun.
Anung meron sa college? ???




"Kapag nagcollege ako. Hinding-hindi kita kakalimutan."
HTML Comment Box is loading comments...