1 photo a-2.jpg 6 photo f.png 7 photo g.jpg 2 photo b-2.jpg 3 photo c-2.jpg 4 photo d.jpg 5 photo e.jpg  photo h-1.jpg

NAVIGATION

Love.25

'Pag nagcollege ako, hinding-hindi kita kakalimutan' aalalahanin niya ako. May lugar na ako sa puso ni Drei. Hindi niya ako kakalimutan.. special ba ako kung ganon.. masaya ba siyang nakakasama ako. Hihi..hayyy~

"Ah?"

:o

"k-k-Kevin!" tumungo ako at inayos ang salamin ko. Binalikan ko yung reviewers ko.

"Bukas.. ang, Periodical natin! Matatapos na naman ang isang grading. At pagkatapos nun.. wala tayong pasok. Halloween na.. pupunta tayo sa sementeryo. At magiging BUSY tayo! Anu bang iniisip mo Mau!" tungong-tungo ako sa sinabi ni Kevin. Nakita niya akong nakatulala at parang tanga.

Ayy.. di na bago yun sa kanya. Mukha naman talaga akong tanga lagi-lagi, isip moron pa. Sigh.

"Pasenxa na Kevin. Nag-aaral naman ako.. pero hindi ko lang maiwasang palaging may maalala." hindi siya makasagot. Nag-aral na lang muli ako.

"Sa 4th year.. hindi ko na gagawin komplikado lahat. Mas susubaybayan pa kita.. Mau, pasensya ka na." napatingin ako sa sinabi niya.

Kung iisipin nga, parang dito lang kami close ni Kevin. Di niya ako masyadong pinapansin sa school.

"Ok lang naman tayo diba?"

"Ang 4th year kasi.. ang.. hmm- Basta! Parang ayoko pang magcollege!"

Si Kevin ayaw magcollege.. pero si Andrei sabik na. Anu bang mangyayari pagnagcollege sila? At feeling ko may kaugnayan yun sakin? Biglang binaba ni Kevin ang salamin ko.

"Sige na mag-aral ka na!"

Medyo di ako mapakali. Yung heartbeat ko.. parang kinakahan sa mangyayari.



Nagring ang bell at nagsimula na kaming magsagot ng mga testpapers. 3 testpapers dirediretso atsaka magrerecess. Magkakameron ng 30 mins. breaktime. Then ang MAPEH. Atsak ang lunch. Tapos the rest subject na muli. Medyo mahirap yung chem at math pero, naalala ko din yung mga pinag-aralan ko at mga techniques to guess what formula should I use.

*Din..don..dan..don*

"WOoooooooo!!!~"

Lahat ay nagsigawan. Kahit saang rooms na malapit samin, maririnig mo ang iba't-ibang hiyawan. Ang saya! ::D


Nagsiuwian naman ang lahat ng estudyante. At medyo kaunti na lang ang natira. Habang inaannounce naman na mawawalan nga kami ng 1 week class at Nov. na.
Naglakad-lakad ako sa corridor papuntang G.C. Office. Tinext kasi nila ako na nandun si Pau. Sa miror pa lang ng pinto.. kitang kita na ang saya-saya nilang tingnan with Pau. Medyo nagtataka na nga rin ako sa closeness ng mga to kay Pau. Pumasok sa isip ko ang about kay Daison.. you know nandito si Pau.

"Ah!" nilingon ko yung kumulbit sakin.

"Angelo bakit nandito ka sa labas?" sabi ko habang lumilingon sa loob.

"Nahihiya ako." nagbablush siya. Di ko rin to maintindihan kung minsan.

Pumasok na kaming parehas sa loob. Konti sa kanila nakuha namin ang atensyon. Nginitian ako ni Drei at yun din ang ginawa ko sa kanya. Nakikita ko si Daison. Masaya silang nakikipagkatuwaan kay Pau kahit di ko naman alam ang pinag-uusapan nila. Pero mas nakikita ko yung happiness ng love sa pagitan ni Pau at Daison.

"Bagay talaga sila noh?" bulong ko kay Angelo.

"Sa tingin mo? Pero si Daison.. wala naman kasi..-"

"Dapat icheer natin si Daison. Minsan lang yan sa tulad niya. Ahahah!" biglang tumingin si Daison sakin.

"Kain na tayo."
"Oo."

Umalis na ako kahit nakatingin parin si Daison sakin. Hindi ko talaga mabasa ang tingin niya pagsakin na.

Kumuha ako ng juice. Uminom ako. May biglang lumapit sakin. Binigyan niya ako ng cake. Tumingin siya sakin..

"Hmm.. Anu.. Tagal narin ah." nagkamot siya ng ulo. Tiningnan niya ako eye to eye, walang bawian. "Ka..musta ka? Namiss kita Mau." nung sabihin niya yun. Naramdaman ko ang heartbeat ko.



Bumalik ang feelings ko nung kinomfort niya ako. Crush ko.. Si Zeji. :-/
HTML Comment Box is loading comments...