1 photo a-2.jpg 6 photo f.png 7 photo g.jpg 2 photo b-2.jpg 3 photo c-2.jpg 4 photo d.jpg 5 photo e.jpg  photo h-1.jpg

NAVIGATION

Love.26

Nagulat ako nung lumapit siya. uhm.. nabigla lang pala. ??? eh kasi.. hindi na nga pala kami masyadong close? Ewan ko. Pero nung araw na nakita ko siya na kasama yung babaeng yun. sxy at maganda. Parang bumaba ang tingin ko sa sarili ko. Parang nawala yung pagkacrush ko kay Zeji. Mabait siya. :[ Pero hindi ang mga katulad ko ang mga tipo niya sigurong kasama. :(

"Hmm.. Anu.. Tagal narin ah." nagkamot siya ng ulo. Animo'y di mapakali. Naiilang kaya siya sakin. Siguro hindi niya talaga tipong kasama ang mga katulad ko.

Pero tiningnan ko parin siya. mata sa mata. Walang bawian. At napansin kong hindi talaga siya mapakali. Ano ba naman tong ginagawa ko. Mukhang di talaga ako gusto ni Zeji. "Ka..musta ka? Namiss kita Mau."

Inayos ko ang salamin ko. ;O Hmm.. tiningnan ko siya. Wala naman sigurong ibig sabihin yung pamumula niya no. Baka di na niya matiis ang kausapin ko. pero bakit naman niya sinabing namiss niya ako?

e.. in the first place. Siya naman tong umiiwas.

Pero bigla ko na lamang naramdaman ang pag-iinit ng pisngi ko. Feeling ko nakakailang nga yung mga ganitong sandali. Ang tagal na namin di nag-uusap. Tapos kung magtinginan pa kaming dalwa sa isa't isa. Parang walang nagpapatalo.

"Uhm. Ayos lang naman." sumubo na lang ako ng cake. Mukhang nahalata na niya yung pamumula ko e.

Bigla na lang ;o ;o ;o


dug.dug.dug.dug. tumibok ng mabilis yung puso ko. Bigla niya kasing hinwakan yung pisngi ko. Pagkatingin ko. Pinupunasan pala niya yung icing sa mukha ko. Wah!!! nakakahiya!! ;[

"Ah-ako na lang!" pero nagpumilit siyang punasan yung bahagi ng labi ko.

Bago ko pa man tuluyang bawiin yun.


*BLAG*


Bigla na lang kaming nakarinig ng nabasag. Parehong nakuha ang atensyon namin. Si pau? Anong nangyari?

"o-Okay lang ako." agad naman akong lumapit. Baka mataga pa siya ng mga basag na pinggan na yun.

"Brei ako na." nakita ko naman na lumapit si Zeji. At mukhang tutulungan niya si Pau.

"Brei, dumudugo yung kamay mo." nagulat ako ng sabihin ni Angelo yun. Kaya hindi na lamang ako tumingin.

Remeber, takot ako sa dugo. Phobia.

Naligpit na nila ang mga basag na plato. Ginagamot ngayon ni Daison ang kamay ni Pau.

"Masakit ba?" mahinahon na tanong ni Daison.

"Pau." nag-aalala kong sabi sa kanya.

"Mau, wag kang mag-alala." sabi ni Zeji na habang pinapat ang mga balikat ko.

Tiningnan ko lang siya. Naiilang parin ako sa ginagawa niya. Ano na naman kayang nasa isip niya. Hindi ba niya talaga ako gusto? o hallucination ko lang?

:o

:o

???

:-\

:(


Nagulat na lang ako ng nakatingin pala sakin si Pau. Iimikan ko na sana siya kaso.



Bigla na lang siyang umiyak. Bigla akong naguilty. Bakit? Bakit sakin siya nakatingin? Atsaka.. may ginawa ba ako?

"Brei?"

"Uuwi na ako!" tumakbo siya paalis. Lahat sila natigilan dahil sa hindi malamang dahilan na pag-iyak ni PAu. Ako nga kaya ang may kasalanan. :-/

"Ganon ba kasakit ang sugat niya."

"Susundan ko siya!" pinigilan ako ni Zeji.








"Wag na.. ako na ang maghahatid sa kanya." sabi naman niya sakin. :(
HTML Comment Box is loading comments...