Naglalakad na ako pauwi kasama ang team. Pero sa isip ko si Pau parin. Bakit siya umiyak? Imposibleng dahil nasasaktan siya sa sugat niyang natamo. Bakit.. Bakit nung nagkatinginan sila ni Zeji.. nagkaganun na siya. Ganito din ang nangyari nun. Nung araw na gamitin ko si Zeji na crush ko riya. :( :(
"Uy!" biglang may sumundot sa batok ko. Pagkatingin ko naman sa tabi ko ay si Andrei. Tapos si Angelo yung sumundot. Nginitian ako ni Drei.
"Wag kang mag-alala, panigurado matatapos na ang problema ni Brei.. dahil.. nandun naman si.. Zeji." naging malungkot si Angelo. Di ko rin siya maintindihan kung minsan.
"Magkasama.. sa iisang mansion sina Brei at Zeji." biglang sabi ni Andrei. :-[
"Magkasama sila sa iisang bubong kaya di nakakapagtakang inihatid siya ni Zeji."
"Kaya pala. Mabuti nasa mabuting kamay si Pau."
"Nagseselos ka ba Mau!?" biglang hirit ni Angelo. Nag-init ang pisngi ko. Pati si Drei hinihintay ang sagot ko.
"Anu bang sinasabi mo.. si Zeji. Mabait lang talaga siya sakin." tungong-tungo talaga ako. Bigla namang..
*blag*
Aray ang ilong ko. Inayos ko bigla ang salamin ko.
"Daison.. anu ka ba naman." sabi ni Angelo. Huminto na naman siya at ako naman patungotungo.
"Wag ka ng umasa kay Zeji. Kasi di kayo bagay.. Nerd!" sabi niya habang lumalapit sa mukha ko. Medyo nakakahiya yun.
"Wag ka ngang lumapit ng ganyan Daison." nilayo ni Angelo si Daison sakin. At nakita ko namang nauna ng maglakad samin si Drei. :( Gusto ko pa naman siyang makausap ng kagaya dati.
At sa wakas nakauwi narin ako.
Inihiga ko ang buong katawan ko sa kama. Nakakapagod talaga kapag may exam. Akalain niyo natapos namin ang exams sa isang araw lang. Inayos ko salamin ko at tiningnan ang orasan. 7 something na pala.
*Krinnnnnnnng*
"Hello?"
"Ate Mau! Halika na dito, nakapagluto na si Kuya!"
"Ah oo Kerlin. Magpapalit lang ako ng damit."
Pagkatapos ko ngang magpalit ng damit. Agad na akong nagpunta sa kapitbahay ko- kina Kevin. Parang di ko narin nararamdaman ang pagod dahil ang sarap talagana magluto ni Kevin.
"Anung gagawin mo Ate Mau this week? Wala kasi tayong pasok." tumingin ako kay Kevin.
"Anu kaya kung magpartime job muna tayo?" tumingin siya sakin.
"Hindi ako pede. Dun muna kasi ako sa mga kaklase ko sasama." tiningnan ng masama ni Kevin si Kerlin, "Don't worry kuya, nasabi ko na'to kay Mama at Papa, mayaman ang kaklase kong yun kaya di buong klase ang kasama."
"First year ka palang pero natututo ka ng lumakwatsya!"
"Mag-agree ka na lang kaya kay Ate. Since gusto mo rin namang makabonding si Mau." biglang nabilaukan s Kevin.
Oonga noh ang tagal narin naming walang scenes ni Kevin. Pag sa school naman kasi, naaaksaya ko na ang free times ko sa pagiging manager ng basketball tapos mga 6 something na ako nakakauwi kaya kung minsan di na ako nakakasabay sa kanila at pinapadalhan na lang nila ako ng pagkain.
"Ah pasenxa kana Kevin huh. Pinag-aalala ba kita?" tumungo si Kevin. Nagtaka naman ako. ???
"Kung alam mo lang palagi siyang natutulala kapag walang sumasagot ng phone sa apartment mo. Na which means nga eh wala ka pa.. hohoho!"
"Tumigil ka na Kerlin!" galit siya pero mahinahon parin ang boses. Napaisip ako.
"Edi yun na lang. Magpart time job tayong dalwa since para narin makapag-ipon tayo para sa costume natin sa halloween party." bumalik na sa normal si Kevin. Tiningnan naman ako ni Kerlin.
"You mean yung Party for junior and senior! Ang daya niyo talaga!"
Tama.. magkakameron kami ng party. At makikita ko si Drei na nakabihis ng horor something. Ang sayaa~ o)
"Sa tingin ko may naisip na akong maaari para sating dalwa."
Dinala ako ni Kevin sa isang cafe. Napakaganda nung cafe. At parang pwedeng pwede naming ipagpartime job :) Kaya naman namin to.
Nung tingnan ako ng manager. At nalaman niyang kasama ko naman si Kevin. Pumayag agad siya at binigyan kami ng isa isang uniform. Agad naman akong pumunta sa locker room. Para magbihis. Ang cute nung uniform. Parang yung napapanood mo sa mga anime. GAnon ang itsura. haha.. babagay naman kaya? Mmaya pa'y dumating si Kevin.
"Heto nga pala Mau, isoot mo muna tong lense. Baka kasi makasagabal yang glasses mo sa pagtatrabaho." agad ko namang tinanggap yun. at nginitian siya. :) maaasahan talaga si Kevin.
Nung natapos na ako. Agad akong lumabas.
"Tapos na ako." tumingin naman siya sakin.
Ako naman, tuwang tuwang hinahawakan yung palda ko. teehee! ang kyut kasi.. feel na feel ko tuloy! Tumingin uli ako sa kanya. Nakatingin parin siya sakin. Bigla akong nakaramdam ng disappointment sa mukha niya. Muhang hindi nabagayan si Kevin sakin.
"Diba bagay sakin." hindi ako nagpakita ng lungkot. Nagtanong lang akong ng natural.
At bigla namang siyang namula.
"d-dun na tayo!" naglakad siya ng diretso. ??? Pero bakit siya namumula? :-/ Ay ewan. teehee! ang ganda ganda ng soot ko!!!
"WELCOME MAM AND SIR!" yan ang sinasabi namin sa mga custumer na pumapasok.
Lumapit naman ako dun sa isang table. tatanungan ko na sana sila ng order nila. Nang makita ko yung dalwang custumer.
"Pau At Zeji.? Wow bakit nandito kayo?
"Uh.. Mau.." nahihiyang sabi ni Pau. Medyo nagtaka tuloy ako. Pero mas nakakagulat yung snabi niya. "Kami.. magkasama kasi kaming dalwa..
kanina pa." ahhhhhh.
Haha. Ganon pala. I smell fishy.
"So kayong dalwa---"
Nagulat na lang ako ng biglang hawakan ni Zeji ang balikat ko ??? ;o ;o ;o







