Zeji's P.O.V.
Simula na ng bakasyon. 5 araw na wala kami sa school, sa makatlo ng gabi babalik kami dun para magcelebrate ng halloween party. Pero feeling ko ang dami kong problemang naiwan. Inatake pa si Pau ng sakit niya nung biyernes at kasalanan ko na naman..
"Ze..ji.." dahan-dahan niyang binuksan ang pinto kaya tumayo agad ako at nilapitan siya.
"Bakit nakabihis ka? Aalis ka ba!?" hawak-hawak ko ang balikat niya.
"Hindi ka pwedeng umalis Brei.. alam mo naman na kailangan mo daw ng pahinga diba?" bigla niya akong niyakap. Pero hindi ko siya niyakap.
"Sana totoo.. sana laro lang din yung kay Mau." biglang dumating si Liza. Yung personal maid niya.
"Mr. Tai, kung maaari po samahan niyo si Miss Brei na lumabas. Gusto niya kasi." nakayakap parin si Brei sakin. Hindi ko alam kung ayos ba to kasi hindi na siya nalulungkot o masasaktan ako dahil hindi ko to gusto.
"Pero.. kailangan niyan.."
"Ihihm.." ngumingiti si Brei habang niyayakap niya ako.
"Oo. Aalagaan ko muna siya ngayon." tumingin siya sakin at niyakap muli ako.
Sumakay na kami sa kotse at nagpahatid sa park para makapamasyal din kami ni Brei. Kung titigan siya parang wala lang nangyari.. :(
Magkasama kami ni Brei sa isang mansion. Dapat kapatid ko siya sa papel pero ayaw niyang magpaampon dahil.. mahal na daw niya ako. Hindi ko maintindihan kung bakit.. at anung nagawa ko.. kung magpapatuloy to, maaari akong ipakasal kay Brei. Pero siya naman tong nagpapakaokay lang kahit hindi.
Ginagawa ko na ang lahat para maturn-off siya pero para sa kaniya lahat ng yun laro. Mabait siya. Mapagbigay.. parang si Mau. Nakikita ko na parang parehas sila kaya siguro di ako nagtiwala ng nagustuhan ko na si Mau. Pero magkaiba pala sila.. dahil hindi kayang magbulagbulagan ni Mau kung alam niyang may mali. Hindi ganon si Brei, hindi siya naniniwalang.. Gusto Ko si Mau. Oo.. gustong-gusto ko si Mau.
Madali lang mahalin si Brei kung hindi siya nagbubulagbulagan. Kahit na kelan kasi.. hindi siya nagpakita ng galit kahit alam niyang mali. Mali siya kaya Ayoko ng Ganun. (
"Nagugutom na ako Zeji." sobrang saya niya. At naiiyamot ako sa mga ngiti niyang yan.. kasi alam kong nasasaktan siya.
"Dito na lang tayo. Parang maganda naman dito eh." hawak parin niya ang kamay ko.
Pumasok kami at pumili siya ng table. May lumapit na waitress. Nung ibinigay niya ang menu..
"Pau.." naagaw agad ng waitress na yun ang atensyon ko. Sa sobrang bigla ko.. tinitigan ko siya. Totoo ba'to?
"Mau? Bakit.." ang ganda ni Mau. Hindi ko agad siya nakilala. Nakacontacts lang siya at sobrang ganda niya. :-[
"Uy Zeji andito karin!" tinuro niya ako. Nakakatuwa siyang pagmasdan. :-[ :)
"Oo. Mau.. kami ni Zeji ay.. magkasama..
KANINA pa." umemphasize sa utak ko yung word na 'kanina'. Parang natakot ako.
Nagbago ang reaction ng mukha ni Mau. Nakangiti lang si Brei.
"Kung ganon kayo ay.." agad akong tumayo at hinawakan ang braso niya.
Tinitigan yun ni Mau. Parang nagtaka siya na ewan. Nagbago ang reaction ni Brei.
"Zej-"
"Mali ang iniisip mo. Kahit anu.. mali to. Kami ay.. nagsasama lang.. na parang..
magkapatid." ewan ko kung pagsisisihan ko ba ang sinabi ko. :-\
"Anu ba Zeji!" binitiwan ko na si Mau at hinila ang kamay ni Brei palabas.
Ayoko.. ayokong mag-isip ng kung anu si Mau samin. Gusto ko.. gusto ko napapasaya ko lang siya.
"Uuwi na kami." nakasakay na kami sa kotse.
"Anu bang ginawa mo Zeji!?"
"Wala namang masama kung may isipin si Mau diba. Mahal kita.. hindi ko naman yun kinahihiya eh.."
Hindi ko parin siya tinitingnan.
"Magiging masaya siya.. para..
sa'tin."
Sinamaan ko siya ng tingin pero nakangiti lang siya.
"GUSTO KO SI MAU! >:("
Sinigaw ko yun sa harap niya. Nagbago ang reaction ng mukha niya. At..
*SLAPPPPPP*
"Zej- ah-Hm!--- Paandarin mo na manong."
Kahit anung mangyari.. ipaglalaban ko ang nararamdaman ko. -/