Hanggang ngayon hindi ko parin malaman ang tunay na dahilan kung anu bang nangyayari. Bakit kaya ang weird ng pakiramdam ko kanina habang magkakasama kaming tatlo? Parang hindi Pau at Zeji ang kaharap ko a while ago. Tapos.. ang mga sinabi ni Zeji? Para saan yun? :-\
"Ang lalim ng iniisip natin ah." biglang umimik si Kevin.
Anu ba naman ang ginagawa ko, halos nababalewala ko na siya. :(
"Pasensya ka na Kevin sa mga inaasal ko this past past few days."
"Wala naman tayong problema dun ah." ngumiti siya sakin. Pero nakikita ko parin ang pagkailang sa mata niya? May nabago ba ako? :-\
Tumigil ako bigla sa paglalakad. Lumingon naman siya sakin. Na nasa likod niya.
"Kevin, hindi muna kita masasabayan umuwi. Dadalawin ko kasi sana si Mori, maaari ba?" hinintay ko ang sagot niya.
Malamig ang pakikitungo ni Kevin sakin kanina pa sa may cafe. Kung mapapansin ko.. pagkatapos yung nung umalis sina Zeji. Pero kailangan ko talagang dalawin si Mori.
Medyo napatungo ako.
"Sige. Hihintayin ka namin sa dinner, huh?" tiningnan ko siya.
Ngumiti naman ako. At kumaway paalis. Bago pa man ako tuluyang pumunta sa shop. Nilingon kong muli si Kevin. Bakit kaya ganyan ang kinikilos niya? Parang ang lungkot niya..
"Yo! Hehe.. :-[" nahihiya kong bati sa may-ari na halos nagbabantay na kay Mori araw-araw. Inayos ko ang salamin ko.
"Galing ah. Natututo ka na." agad naman akong lumapit sa kanya.
Inabot ko ang allowance ni Mori na halos ilang buwan ko ng inde nasasamahan ng matagal. Napapadaan lang kasi ako minsan dito at hindi na halos nakakabonding tong si Mori.
"Ok na Mau. May nagpapakain dyan sa alaga mo na hinde naman ako." tumingin naman ako kay Mori na masayang kinakain ang dala kong dog food.
"Pero-"
"Tagabantay na lang ako ni Mori. Ang totoong nag-aalaga sa kanya--"
"SORRY LATE AKO!!!-"
Naputol ang sinasabi ni Kuya Dik na may-ari nga nung shop. Parehas kaming napalingon sa may pinto. Nakatungong lalaki na nakabend ang knees sa sobrang hingal. Tumakbo yata sa pagmamadali.
:o :o :o Nagulat nalang ako sa nakita ko..
Kung sino ang lalaking yun.. :o :o
"Mau?" nakatitig parin ako sa kanya. Bakit?.. :o
"Oh Drei, di ka naman late eh. You came in time! You did it! Si Mau narin ang nagpakain kay Mori. Kaya don't worry." siya? Siya ang tinutukoy ni Kuya Dik na nag-aasikaso at nag-aalaga kay Mori. Si.. Drei. :-[
"Binibisita mo na pala si Mori?" ang mga tingin niya.. :-[
"Oo. May oras na kasi." naglakad siya palapit sakin.
"Kung ganon dahil ba sa team kaya ka nawawalan ng time kay Mori?" this time na sa harap ko na siya. He's too close.
"Hmm.. pero okay lang." ang bango niya. :-[
"Kung ganon dapat pala sabay na tayo parating puntahan si Mori." ngumiti siya. Ang gwapo ni Drei. Matagal ko ng gusto ang ganito. Sana palagi..
"Ahehm!,"
aw.aw.aw.
Napatingin kami kay Kuya Dik at Mori. Lumapit naman si Andrei kay Mori at hinawakan ang ulo nito. Dinilaan siya ni Mori sa leeg. Ang leeg niya.. ang puti talaga ni Drei. :-[
"Uy naglalaway ka na dyan eh!" biglang tapik ni Kuya.
"Huh." napatungo naman ako at inayos ang aking salamin.
"Uy Andrei! Akala ko ba hindi ka kilala ni Mau!? Ikaw ah.. close na pala kayo eh. Di ka man lang nagkukwento!"
Tama ba ang nakikita ko. Naninigas si Drei? Parang nahihiya siya? ::) Tapos.. ang pula pa ng tenga niya.? Oh..
"Anu! Kasi.." bigla siyang humarap samin pero nakaupo parin para mapantayan si Mori.
Nung mapansin niyang nakatingin ako sa kanya. Napatingin naman siya sakin imbes na kay Kuya Dik. Nawalan ata ng concentration kaya ayun nagulat dahil nakatingin ako tapos binaleng uli ang pansin kay Mori.
"Uyy.. nagbablush si Mr. Cool!" napahalf smile naman siya pero biglang natawa dahil sa kakulitan ni Mori.
"Sala--" sasabihin ko sanang salamat kaso bigla naman siyang nagsalita.
"Manager namin si Mau sa team. Kaya.. okay lang naman diba kung kakausapin kita, Mau?" nanghihina ako kapag sinasabi niya ang pangalan ko. Ang sarap tuloy irecord. :D
Isa rin to sa mga pinapangarap ko.
Patuloy naman ang pakikipagkulitan niya kay Mori. Si Kuya naman nakahalumbaba, parang nanonood ng telenovela sa tv.
"Matagal na kitang napapansin Mau. Tuwing umaga.. sa court. Pag may practice.. sa gym. Sa corridor, mahilig kang mapag-isa at nagbabasa ng kung anung libro. Pero.. di mo naman ako napapansin eh." tumingin siya sakin. "Pero tama ba ang hinala ko? Imahinasyon ko lang ba na tinititigan mo ako? O malapit lang ako sa bagay na gusto mo?" ngumiti siya.
:-[ Napapansin ako ni Drei.
thump.thump.thump. Ang heartbeat ko. :-[ Sasabog na sila sa sobrang bilis. Tumayo naman siya bigla.
"Gabi na halos." kinagat niya ang labi niya. He's staring at me.
"Ahm.. ihatid na kita? :-[" nagkamot pa siya ng ulo. :-[
Ang saya-saya ko.
"Di lang ako umimik ng konti, gumawa na kayo dyan ng kachizihan. Magkaguyam pa dito." napatungo tuloy ako. Sobra na ang hiya ko.. but actually, ang saya-saya ko sa mga nalalaman ko. :) :-[