knock.knock.knock.knock-
"Bakit di sarado ang pinto?" si Kevin pala yung kumakatok. Naku nakalimutan ko palang ilock yun. Makakalimutin talaga ako.
"Ah..anu, baka kasi dumating ka at dumating ka nga!" ;D nakangiti kong sabi. Pinat naman niya yung ulo ko at ginulo ang buhok ko. Inayos ko salamin ko. Nakita kong may nilapag siyang something, tumingin ako sa kanya.
"Masarap yan." kumuha naman ako ng pinggan.
"Nasira ang palda mo?" bumalik ako sa upuan ko at nakita ko siyang tinatahi na yung palda ko. Kaya kumain na lamang ako.
"Bakit nasira to?" bigla akong nakaramdam ng pag-iinit sa katawan ko. Sa tuwing naaalala ko yung nangyaring yun kanina.. nakakahiya talaga!Bigla akong naubo.
"Ok ka lang?" tapos na pala siyang magtahi. Ang galing talaga ni Kevin. Palagi niya akong tinutulungan. :)
Nakatulog na ako pagkatapos naming manood ng tv ni Kevin. Nang magising na lang ako sa kwarto ko na nakakumot na ako. Si Kevin ang nagdala dun sakin. 6:00 na rin. Kaya naghanda na ako para sa pagpasok. Binuksan ko yung cabinet ko at kinuha yung jersey nung lalaking yun. Mabuti na lang at hindi to nakita ni Kevin, at buti narin at hindi ako naabutan ni Kevin na hindi umattend ng huling subject kahapon., kundi.. siguradong kung anu-anong isisipin niya, magsusumbong pa yun sa mga magulang ko.
"Mau!" nilapitan ako ni Pau. Alalang alala siya sakin.
"Wala ka kahapon. Bakit?" napaisip ako. Nagpaalam ako sa principal na umuwi na lamang muna dahil sa emergency'ng nangyari. Alam ko, nagsinungalin ako. Pero wala na akong choice. Ayokong makita ng kung sino na suot ko jersey nung lalaking yun.
Inayos ko salamin ko.
"Nagkaemergency kasi. Wag kang mag-alala, Ok na ako!"
Nagsimula na yung klase kaya nung magkatime naman ako para mag-isa. Pumunta akong mag-isa dun sa ibaba nung pinaglalagyan nung bola. Ang locker ng basketball team. Tumigil ako sa locker ni Andrei. Ang sarap titigan ng mga pag-aari niya. At nilagay ko naman yung paper bag sa harap nung locker ng lalaking kahapon uli.
"Go.Go.Go! D-R-E-A-D go.go.go Dread TEAM!!!" nasa gym kami. Required kaming manood ng game ng basketball since malapit na ang tournament nila laban sa ibang school. Buwan-buwan kasi yun. At gantong event yung pinakagusto ko. Tapik.Tapik. Gumising ka nga sa katotohanan Mau! Ahehehe.. Nasan ba si Andrei?
"Drei!" yun! :) Ah??? ???
"Iba yung perfume mo ah? Bumili ka ng bago?" magbestfriend sila ng flirt na yun, I mean nung lalaking yun?
"Hehe. Hiningi ko lang to."
"Pau, pwesto na tayo!" sabay ayos ko ng salamin ko. Umupo kami kung saan malapit kami at mapapanood talga yung laro.
"Naalala mo ba? Nung first year pa lang tayo."
"Alin, yung pagiging hate ko sa sport na to?"
"Ahaha. Pero nagustuhan mo narin siya diba?" sino bang taong maghehate sa bagay na sobrang lapit sa taong gusto mo,
"Ikaw? Bakit sobrang gusto mo ng sports na'to?" kay Andrei lang ako nakasteady.
"Basta gusto ko ang sports na'to!" ako din. Gusto ko to! :)
*PrrRRrrrTtt!*
Natapos yung game.
"Tara na Mau!" lumingon ako sa likod ko. Umiinom siya ng tubig. Ang cute niya talga. Wag kang magpakapagod huh. Ihm. :)
*blag*
"Naku?" agad akong umupo para kunin yung salamin ko. May umupo din para iabot yun. Nung isuot ko salamin ko at tumingin sa taong yun.
;)
Nanlaki mata ko at nag-init ang buo kong mukha. :-[
"Pa-pasenxa na!" tumungo ako at napatayo.
Inayos ko naman salamin ko habang nakatungo. Dumating naman si titser.
Inayos ko gamit ko, kinapkap ko bulsa ko. :o, kinapkap kong muli, paulit-ulit.
Nung magdismissal, agad akong pumunta sa locker. Hinanap ko yung nawawala kong gamit. Pero kahit ulit-ulitin ko, hindi ko na ata makikita. Nakuu.. Sana naman walang nakadampot o nakakita man lang ng picture ni Andrei.. Kundi! Hutay ako!
"Huy!" nataranta akong bigla. Inayos ko salamin ko sa sobrang gulat kahit di halata.
"Wag ka kasing mailang!"
"Hey! Bye Zeji! See you around tomorrow!" 4 na babae, nde sila nakadouble uniform. Yung white lang suot nila kaya fit at kitang kita talaga ang pagkakahubog ng katawan. Tapos tong flirt na to ngiting ngiti naman. Tuwang tuwa. ::) >:(
Aalis na sana ako,"Onga pala may ibabalik ako sayo kaya ako naparito.-"
"Zeji!" napatingin siya sa mga dumating na grupo ng kalalakihan niya. Napatingin narin ako, at nung makita ko yung lalaking nakangiti habang may hawak na envelop, nakaramdam na lang ako ng kuryente sa katawan ko. Nag-iinit na naman ang paligid ko. Gusto ko ng umalis pero nagpifreeze ako sa kaba. Ayoko mang tumingin kasi baka mapatingin siya, pero hindi ko mapigilan.
"Mag-iinom kami, sama ka?" ayokong tumingin. Wag kang titingin. Wag Mau!
"Huh. Oo naman." tumingin ako sa lalaking yun, at least sa way na yun, parang natingnan ko na rin si Andrei. Pero ang hirap parin..
"Hintay niyo na lang ako sa gate. Pangako bibilisan ko dito." feel ko nakatingin siya. Pero parang hindi rin. 3 taon ko na siyang napapansin, tinitingnan at nagugustuhan. Pero di gaya ko, kahit na kelan, hinding-hindi ako mapapansin ni Andrei, ng taong gusto ko, ng Sobra. :(
"Baka matunaw ako sa titig mo." ;) ;D ngumiti na naman siya ng pangflirt. Napabuntong-hininga ako. Kung friend siya ni Andrei, bakit di kami mapaglapit ng tadhana.
"Bakit na naman?" kung mapapalapit ako sa isa sa mga lalaki sa mundo maliban sa ama ko at kay Kevin, pwede bang si Andrei na lang yun.
"Hindi kita kilala. Kaya wag ka ng lalapit pa, please." si Andrei lang ang gusto ko, ang hinihiling kong mapansin ako.