"Thank You poh!!!"
Yun na lang ang huli namin nasabi ni Kevin nung nagresign na kami. At ngayon parehas kaming may 2,000 :P. Kahit di naman talaga yung pera ang kailangan namin.
"Nov. 1 ngayon, uuwi na lang ba tayo?"
Masyado kaming naging tahimik kanina pa. Siguro gaya ko, iniisip rin niya kung dadalawin ko ba talaga ang totoo kong ama. Sigh.
"Pwede bang samahan mo akong bumili ng bulaklak Kevin?"
Nagnod na lang siya ng walang imik.
Masyadong madaming tao ngayon sa paligid. Halos karamihan na makikita ko sa iba't-ibang flower shop ay nakaitim at nakaputi. Bumili kami ni Kevin ng pinakamahal at pinakamagandang bulaklak.
Last year, nung ganitong event din.. dinala ako nina Mama at Papa sa Hongkong. Mas mabuti daw kasi yun kesa sa may maalala ako at maapektuhan pa yung sakit ko.
Nakarating na kami sa Cemetery at halos lahat ng puntod may makikita kang mga magagarang bulaklak, mga magagandang kandila na may iba't-ibang hugis, at parang kung titingnan mo.. napakapayapa.
Nakita din namin ni Kevin ang puntod.. Nagtirik kami ng kandila at unti-unti kaming lumuhod at nagdasal. Pagkatapos nilagay ang bulaklak.
"Napatawad ko na siya matagal na.. pero ang batang yun.. Hindi pa. At hanggang ngayon.. hindi alam kung kaya pang magpatawad. Kung gagaling lang ang trauma kong yun noh." tumayo kami.
"Siya kaya.. pinatawad na kaya niya ako sa nagawa ko?"
Naging tahimik muli kami ni Kevin.
"Tara na?"
Naglakad na kami palabas ng cemetery at umuwi na rin.
Wala parin si Kerlin at kasama ang mga kaklase niya.. kaya eto.. kami lang lagi ni Kevin ang magkasama. Nakarating narin kami sa wakas sa apartment. Habang papalakad kami papasok.. nakita ko si Andrei.
Nakaleaned siya sa isa sa mga poste dun at umayos din naman ng tayo. Aw.Aw.Aw. Tumahol si Mori.
Naglakad-lakad kami sa tabi ng ilog. Bumaba rin kami para maupo sa bermuda dun.
"Mabuti naman at pumayag kang ipasyal natin si Mori." ang kulit ni Mori.
"Iyo na siya diba.. ok lang ba na kasama pa ako?" dinilaan naman ako ni Mori. Ang kulit niya. ::D
"Gusto ko kasing tayo ang mag-alaga sa kaniya."
Biglang pumasok sa utak ko yung sinabi ni Arthur kahapon, mama at papa? Parang bang mga magulang kami ni Mori. :-[ Nakakahiya. Ang dumi ng utak mo Mau.. bakit mo ba iniisip yun? Anu bang nangyayari sakin.. ang bilis ng heartbeat ko. May problema na ba ang puso ko?
"Since di mo naman ako pinayagan para bayaran si Mori, ito na lang ang kapalit." ngumiti siya.
Kung tutuusin pa nga panalo parin ako eh.
Ngayon feeling ko sinasamantala ko na ang lahat para kay Drei. Sinasamantala ko ang sandaling makasama siya.. at hanggang ngayon di ko pa nasasabi ang tungkol dun sa table. Baka kasi pagnalaman niya.. umiwas siya. At malaman niya na may nararamdaman ako sa kanya. Ok lang kaya.. hindi kaya siya magagalit? :-/
"Mau, pupunta ka ba sa Party?"
"o-o.." hinahawakan naming parehas si Mori.
"Mabuti naman kung ganon."
Tama ba ang narinig ko.. gusto niyang pumunta ako dun? :-[
"Pwedeng.. favor?"
"huh?"
"Bride ghost ang theme mo pwede?"
"o-Oo ba!"
Bigla siyang humarap sakin at ngumiti. Napangiti rin ako. Ang saya-saya ko nung mga sandaling yun. Feeling ko.. may mga bulaklak sa paligid namin. At tinigil talaga ang mundo para samin.. sana si Andrei na talaga.