1 photo a-2.jpg 6 photo f.png 7 photo g.jpg 2 photo b-2.jpg 3 photo c-2.jpg 4 photo d.jpg 5 photo e.jpg  photo h-1.jpg

NAVIGATION

Love.31

"Bakit bride ghost? Pede naman kahit anung nakakatakot diba? Masyadong weird kung yun. At alam mo ba.. karamihan sa mga tao dun, pagandahan ang ginagawa. Baka magmukhang ikaw pa ang nakakatakot. Pagtatawanan ka dun Mau."

Nakaharap ako sa salamin habang nakasideward ang mga kamay ko at tinitingnan ang kabuuan ko. Tiningnan ko si Kevin.. napabuntong hininga ako.

"Hate mo pa naman ang ganyan."

Kanina pa takang-taka si Kevin sa outfit ko. Oonga bakit ganon. Feeling ko pa naman kapag may contacts akong suot.. kahit papaano gaganda ang image ko. Pero bakit nakakatakot ata ang itsura ko. Parang talaga ako yung mga nag-aact sa tv. Scary talaga.

Hinawakan ko ang pisngi ko. Si Kevin.. gwapo parin siya. Halatang nilagyan ng make-up lang. Pero kahit ata nilagyan ako ng make-up.. nakakatakot parin ako.

"Pangit ba ako Kevin?"

"H-hindi noh!" isinigaw ni Kevin ang sagot niya.

Tiningnan ko naman siya at medyo namula siya. Kaya napangiti ako. Kung sinabi ni Drei na gawin ko'to.. magtitiwala ako. :)



Umalis na kami ni Kevin ng sabay at nakarating din naman.

Malayo palang pero nakikita ko na yung mga lights na nagbibigay ilaw para sa party. Kung siguro walang nakakatakot na outfit, iisipin ko may nagaganap na Party.. like JS. Pero mas nararamdaman ko ang panginginig at kabug ng puso ko.. trauma sa madilim. Nakakatakot. Todo ang pagkapit ko sa costumes ni Kevin..

"Don't worry, di ka mawawala sa paningin ko!" ngumiti naman siya.

Nakawak parin ako sa damit niya. Napansin ko naman na may nakatitig sakin.. kaya sinilip ko. Medyo nanindig ang mga balahibo ko.. nakaramdam ako ng pangingilabot. Natatakot ako.. lahat ng bagay nakakatakot.

"m-Ma-MAU?!!" saka lang ako kumalma nung narinig ko ang masayahing boses ni Angelo.

Napabitiw ako kay Kevin at napangiti sa kumakaway na si Angelo.

"Dun tayo! Kina Angelo!!!" hinawakan ko ang kamay niya papunta dun. Pero huminto siya. Nung tiningnan ko siya masama ang tingin niya. Tumingin ako sa tinitingnan niya.. si Daison.

"Sige sasama ako Mau. Para hindi ka mawala sa tabi ko." hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko at pinuntahan na namin ang pwesto nila Angelo.

"HI ANGELO, HI PAU, at HELLO.. Daison." masama na naman ang tingin niya. Hindi sakin.. kundi sa magkahawak kamay namin ni Kevin.

"BAKIT HELLO SAKIN SAKANILA HI! >:(" hindi ko alam kung galit ba siya.

"H-"

"Nakakatakot ka!" magha-hi sana ako. Inirapan naman niya ako.

"Mau! Halika! Cr muna tayo.. parang kasing di ako comfortable sa suot ko." bigla niyang inagaw ang kamay ko kay Kevin.

"Mau!-"

"Don't worry Mr. Gil, ako naman ang kasama niya. I'll take care of her." nag-aalala na naman si Kevin. :(

"Yun naman pala eh. Wag ka ngang paas-if bf ka niya. >:(" nagkatinginan sila ng masama.

"Pangako Kevin, ok lang ako."

"Ingat Mau!"


Pumunta na kami ni Pau sa Cr. Todo ayos siya sa sarili. Siya.. si Kevin at Daison.. parang di sila nagbago. Magaganda at magagwapo parin sila.

"Ang ganda mo Pau." natawa siya bigla sa sinabi ko.

"Mau, halloween to hindi JS."

"Ako ata.. ginawa ko na ang lahat para kahit papaano makmukha parin akong normal.. pero nakakatakot parin ang mukha ko." nakasideward na naman ako.

"Sige Cr lang ako." pumasok na siya sa girl's restroom.

Naglakad-lakad naman ako para magsalamin nang..

"WAH!-" anu yun? May nakita akong nakaputi..

:o :o :o

Kinabahan ako bigla. Hala natatakot na ako. Nakaupo parin ako at ayaw tumingin sa salamin.

"Pau?~"

Sigaw ko habang hinahanap ang pinto kung saan maaaring pumasok si Pau. Pero.. walang sumagot. :o Paano na!!?

Tumayo muli ako at.. this time nakataklob ang mukha ko. Pagtingin ko sa salamin..

"WAAAAH~" napataklob ako ng mukha. Natakot ako.. pero narealize ko..
Ako pala yun. :o :-\ :-[

"Anu ka ba Mau, bakit mo tinatakot ang sarili mo?!" tinitigan ko ang mukha ko. "Make-up lang yan."



:o
:o
:o



May narinig akong footstep.. papunta dito. Paglingon ko.

"Pau- WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH~~~~!!!" nakabarong!!!
HTML Comment Box is loading comments...