Papalapit siya ng papalapit sakin. Yung paa lang niya angkita ko dahil nakataklob ang mukha ko ng kamay ko. Hanggang sa umupo siya sa harap ko at.. napahiyaw na nga ako..
"AAH!~-" may konting luhang lumabas sa mata ko. Hanggang sa napatigil ako dahil nakahawak na siya sa mga kamay ko.
Napakaaliwalas ng mukha niya. Parang my ghost in shining armor. Ang gwapo niya talaga.. :-[
"Ok ka lang ba Mau?" itinayo niya ako. Ang outfit niya.
Parang kaming mag-asawang parehas na namatay. I'm the bride ang he's the groom.
"Mabuti naman at yan ang sinoot mo. Bagay sayo. Ang ganda." nakatingin lang siya sa mga mata ko.
Siya lang ang nagsabi niyan. Mas lumapit pa siya sa mukha ko. He's smiling.
"Would you be my bride, tonight?"
He's too close. Yung mga mata lang niyang nakatingin sakin ang nakikita ko. Ang mga ngiting.. para lang sakin. Napakasaya ko.. parang wala ng katapusan ang kaligayahan kapag nandiyan siya sa tabi ko. Gusto ko siya.. gustong gusto.
"HOI!~ Matutunaw na yung iniinom mo dyan ah!" si Angelo. Di ko pa pala naiinom ang juice na kulay dugo.
"Ahah.. Angelo." hindi maipinta ang kasiyahan ko ngayon.
Inuuga-uga ko ang juice na nasa baso habang pinapanood to.
"Si Andrei.. ganyan na ba talaga siya noon pa."
Naramdaman ko pa ang pag-iinit ng mga pisngi ko. Hanggang ngayon di parin ako mapalagay.. kinakabahan ako kapag siya ang pinag-uusapan. Kinikilig parin ako. :-[
"Si Drei-" naputol ang sinasabi ni Angelo nang biglang dating ni Daison.
"Nanligaw pala si Drei kay Kristelle."
Napatigil ako sa paglalaro sa juice ko. Napawi din ang ngiti sa mukha ko. Parang kinabahan ako sa narinig ko.. natatakot.. nasasaktan. :( :-/
"Daison-"
"Kahit college na si Telle, pinupuntahan parin siya ni Drei sa school nila. Kaya ata kung minsan nalelate siya eh.."
Bumalik sa utak ko yung sinabi niya nung minsang nalate siya at nagpatulong sa exercises nila.
"Hindi naman siya ganyan noon eh. Actually.. nagiging good mood lang siya sa babae.. kapag may nangyari sa kanila ng kanyang babae. Yung babaeng mahal niya.."
"Daison, tama na.." ang sakit-sakit. :( :(
"Bakit? Gustong malaman ni Mau ang lahat kay Drei diba.. hayaan mong tulungan natin siya. Anu pa ba.. si Drei, first love siya ni Telle at first love din niya si Telle. At pagsinagot na siya ni Telle..-" unti-unti tong binulong ni Daison sa tenga ko, "-they will love each other.. happily ever.. after." gusto ng pumatak ng luha ko. Namumuo na sila.
"Oh diba Angelo, Fairytale! Happy Ending eh! Hahahah.."
Kaya siguro nilalapitan ako ni Drei. Dahil gusto lang niyang ipakita sa lahat na masaya siya.. mahal? May minamahal na pala siya. Anu ba 'to. Kinagat ko ang labi ko para mapigil lang ang mga luhang gustong-gusto ng pumatak.
"Mau.?"
"Huh?" tiningnan ko si Angelo.
".. inaannounce.. na-- nila yung.. the halloween couple.."
Bakit ang lungkot ng mukha ni Angelo? May gusto ba siya kay Telle? Bakit ganon makatingin si Daison.. siya ba ang lalaki dun sa nasabing couple? :'( Ayoko na dito.. ang sakit-sakit na..
"Mau! Tara na sa stage!" may humawak ng kamay ko.
Nilingon ko siya at saka ko naramdaman..
*sob*
:o
:'(
Umiiyak na pala ako.. at nasa amin ni Drei ang spotlight. Bakit.. bakit hinahawakan ni Drei ang kamay ko? Bakit lahat sila nakatingin? Bakit.. ang lungkot ng mga mata ni Drei?
Bakit ayaw tumigil sa pagluha ng mga mata ko. :'( :'(
Bakit ang sakit sakit ng mga nalalaman ko?







