"Tama yan. Kumain ka lang ng kumain Mau! Sating mga babae.. hindi dapat na umiyak dahil sa ating mga gustong lalaki."
5 na araw nawala si Kerlin at 2 araw akong di mapalagay at nagmumukmok sa apartment. Sa kadahilanang hindi ko alam.. :( Masyado ba akong mahina.. ganon ko ba kagusto si Andrei. :-\ Sayang.. kung hindi siguro ako umiyak ng gabing yun parehas kami ni Drei na may remembrance picture ng kami bilang Halloween Couple.
"Salamat Kerlin."
Sigh. Puro buntong hininga nalang ako simula ng matapos ang gabing yun. Tapos simula din nun.. hindi kami nag-uusap ni Kevin. Masasabi mong iniiwasan niya ako. :( Di ko naman alam ang dahilan. :-\ Sigh.
"Gusto mo pala yung Andrei Dave na yun? Alam mo bang crush din siya ng mga kaklase ko. Maraming nakakakilala sa Dred Team. Halos gwapo naman kasi sila. Pero si Chad ang Favorite ko.. :("
"Bakit Kerlin?" nadadala ata siya ng pagiging malungkutin ko.
Hanggang ngayon nararamdaman ko ang mata ko. Hindi naman ako yung tipong hagulhol na umiyak pag nasasaktan.. nangyayari lang yun pagnatatakot ako. Pero ang iyak ko.. yung luha kong yun.. pumapatak lang sila pagnatutulala ako tapos bigla nalang akong uub-ob at hihikbi. Hanggang sa maramdaman kong masakit na pala yung nangyayari.
"Nuon kasi.. pag sinabing crush akala ko automatic na love. Pero.. bakit hindi si Kuya. Bakit di ka napapaiyak ng ganyan ni Kuya kahit na iniwasan ka niya nung malaman niyang crush mo siya."
"Crush ko lang kasi ang kuya mo at masyado pa tayong bata nun."
"Anung pinagkaiba ng pagiging bata kesa ngayon. Pareho lang naman silang nakakaramdam diba?"
"Kerlin.." seryosong malungkot si Kerlin.
"Wala ng puwang ang kuya ko noh. Kasi mahal mo na talaga ang lalaking yun.." biglang bumilis ang tibok ng puso ko.
Parang nasasaktan ako kapag iniisip ko na mamahalin ko ang isang taong.. hindi ako pwedeng mahalin.
"Aalis na kami paggumraduate si Kuya. Pupunta kaming Spain para dun mag-aral.. Mau.. ayaw ni Kuyang sumama.. kasi gusto ka niya. Mahal ka ni Kuya Kevin." tuluyan ko ng nabitiwan ang baso at nabasag yun.
"Naku Mau-"
"Kerlin. Nandito na ako."
Nagbukas ang pinto. Narinig ko ang boses ni Kevin.. nanginginig ako. :o
"MAU!" sabay na sigaw ni Kevin at Kerlin.
Thump.Thump.Thump.Thump
Hawak ni Kevin ang kamay ko. Dumudugo to.. dumudugo ang kamay ko. Tulala ako. Hindi ko alam ang gagawin ko.. :(
"Kerlin, kunin mo ang first aid kit."
Umupo kami ni Kevin. Ginamot niya ang nagdurugo kong kamay. Sobrang.. maalaga si Kevin sakin. :'( "Aalis na kami paggumraduate si Kuya. Pupunta kaming Spain para dun mag-aral.. Aalis siya. Maiiwan ako.. Iiwan nila ako. Wala nakong mga kaibigan.. Wala ng mag-aalaga sakin. Wala ng magtatanggol.. Wala na.. mawawala sina Kerli at .. Kevin sakin. :'( Mau.. ayaw ni Kuyang sumama.. kasi gusto ka niya. Mahal ka ni Kuya Kevin." Paano. Paano ko masusuklian ang lahat.? Mahal niya ako.. paano ko mapapasaya si Kevin. :'(
"Mau?"
"Mau, masakit ba?"
Bakit. Bakit masyadong masakit ang mga nangyayari.. bakit parang di ko na kaya ang sakit. Anu.. anung gagawin ko balang araw?
"Talaga bang.. aalis kayo?"
Walang umimik. Tiningnan ko silang parehas. Hindi sila makatingin parehas.
"Bakit!?" I grab Kevin's T-shirt.
"Wag ka ng umiyak Mau."
"Sinungalin. Sabi niyo! Walang iwanan. Kasi alam niyong di ko kaya.. mga kaibigan ko kayo diba!?"
"Uuwi naman sina Tito at Tita dito. Alam bang gusto ka na nilang makasama." di parin makatingin si Kevin.
"O kaya naman.. sumama ka na lang kina Tita. Kina Mr. and Mrs. Padua, sa mga magulang mo."
"Hindi pwede.." bumitaw ako kay Kevin.
"Bakit.. dahil ba sa mahal mo yung lalaking yun! Mau! Bata ka pa! Masyado ka namang maaga para dyan!" sinigawan ako ni Kevin.
"Kuya.."
"Umaasa ka!"
Umiiyak na naman ako. At nasasaktan.
"Akala mo ba yun yun." tumayo ako. At umalis sa apartment nila. :'(