Nandito ako sa market para bumili ng mga snacks na makakain ng team bukas. May pasok na kami bukas pero di parin kami nag-uusap ni Kevin. Bumili narin ako ng makakain ko. Naisip ko.. bakit ba yun nasabi ni Kevin? Alam naman niya hindi ako pedeng umalis dito dahil nandito ang puntod ng ama ko.
Naglakad-lakad na ako pabalik. Napansin ko lang na madaming tao ngayo. Dahil siguro malapit na matapos ang bakasyon.
"MISS EXCUSEeee!!!-"
May narinig akong sigaw. Hinanap ko naman nang biglang-
*BLAAAAAAAAAAG*
"Aray!!?"
Napaupo kami parehas. Ang sakit ng pagkakabundol niya sakin pero mas nanaig ang pagkawala ng salamin ko. Nasaan ba yun? ??? Kanina pa ako kapa ng kapa dito. Nasaan na yun?
"Miss, heto oh. Bwahahahaha!" naisuot ko naman kaagad ang salamin.
Isang babaeng mahabang buhok na nasa side ang hati ng buhok ang nakaupo sa harap ko na nakangiti. Hindi man matamis ang mga ngiting yun gaya ng kay Pau, pero may nararamdaman akong iba.
"KRIS..TELLE!!!" Telle? ???
"Naku.!" bigla niyang hinawakan ang kamay ko.
"Wag tayo dito!" at tumakbo kami palayo.
At sa isang cafe kami tumigil. Umorder siya ng banana split para saming dalwa at ice cream din. Inayos ko ang salamin ko at napansin kong kanina pa siya tawa ng tawa at salita ng salita. Ang energetic niya. :)
"Nakikinig ka ba sakin. Ahahaha! Nakakaasa talaga oh. Buti na lang nakakain narin ako. Hihi."
"Kumain ka nga!" sabi niya nung napansin niyang nakatunganga lang ako.
Ang dami niyang inorder. Tapos matatamis at malalamig pa. Okay lang ba tratuhin niya ako ng ganito.. ibig kong sabihin, hindi namin kilala ang isa't-isa. ???
"Ah.. Kristelle Hernandez ang buo kong pangalan. Telle na lang ang itawag mo sakin."
:o
Nalaglag ang panga ko sa narinig. Telle.. ang first love ni Andrei. Tinitigan ko siya at ang babaeng nasa documents at ang babaeng nasa harap ko.. ay iisa. Napaka.. ganda niya. :-/ Hindi nakakapagtakang nagustuhan siya ni Andrei. Mabait din siya.. :'(
"Hindi parin.. ok. I'm a freshman college. I'm a nice person ang don't worry.. di ako nangangain ng tao." ngumiti siya.
Bakit nasasaktan ako tuwing nakikita siya? Wala naman siyang ginagawa ah? Nagmamahalan lang naman sila. At ako.. epal lang ako sa storya nila. :(
"Kumain ka na kasi. :)"
Sinunod ko naman ang gusto niya. Nakakahiya naman kasi kung sasayangin ko lang.
Habang kumakain ako.. kwento lang siya ng kwento. Nakakatuwa siya. Naiimagine ko si Andrei habang ngumingiting nakatitig sa kaniya. Siguro sobrang saya niya sa piling ni Telle. Ilang buwan na ba niyang nililigawan si Telle? Sigurado magiging perfect couple sila. Eh kung sabihin ko kay Telle na sa school din niya ako nag-aaral nung naghs siya. Sigurado itatanong niya si Drei at maaaring matulungan ko silang dalwa.
At panigurado.. wala na.. wala na akong pag-asa. Masasaktan na ako. Dapat pala.. magmove-on na ako.
"Ikaw naman, sino ka ba?" naglalakad-lakad na kami.
"Mau Anthonette Padua, 3rd year highschool." hinawakan niya bigla ang kamay ko.
"Mau?" tumigil siya sa paglalakad.
"o..O-" :o
"Ate ang itawag mo sakin pwede ba?" inayos ko ang salamin ko. Ang lapit ng mukha niya kaya I noded na lang.
"So saan ka nga pala napasok?" lumayo na siya at nagpatuloy kami sa paglalakad.
"Sa.. m..m..Mori High." tama ba ang ginawa ko? :-\
"Mori High?"
"Telle?.." napalingon kaming parehas. "Mau!?"
Si Zeji? Nandito siya? Kasama ba niya si Pau? At oonga pala.. si Telle.
"Oh Hi.. Zander Tai right?" nilagay niya ang mga kamay niya sa likod niya. Nginitian niya si Zeji.. pero a bit shocked parin si Zeji.
"Ate Telle.. ako nga pala..--"
Nabigla na lang ako nang bigla akong hinigit ni Zeji sa likod niya. Hawak-hawak niya ang kamay ko. Bakit ganito siya makaasta?
"Close pala kayo Mau, ng dati kong player. How come.. it's coincidence. Mag-anu ba talaga kayo at ganyan.."
Nakatingin siya sa mga kamay namin ni Zeji na magkahawak. Ang higpit ng pagkakahawak niya. Hindi ako makapalag. At bakit ba? Anung problema about Telle? Mabait naman siya eh.
"Girlfriend ko siya, bakit?"
Nalaglag ang panga ko.. kahit ata kay Telle. :o