"Actually, bagay kayo sa isa't-isa." yun ang huling salita ni Telle bago niya kami iwan ni Zeji. Hindi talaga ako pinakawalan ni Zeji nung mga oras na yun. Pero nakakapagtaka kung bakit umasta ng ganon si Zeji? Anu bang dahilan at kailangan naming magpanggap na ganon sa harap ni Telle? Buti na lamang at sinabi niya agad kay Telle na hindi. Kundi baka makarating nga yung kay Drei.. :-[
Toink. Anu ba tong iniisip ko. Diba dapat sina Kevin at Kerlin ang inaalala ko.
"Ah-Pau?"
Dahil sa nakasalubong ko narin naman siya, pumunta narin kami sa rooftop.
"Ang ganda ng sikat ng araw noh." sigh. Anu ba tong ginagawa ko. Dapat di ako nagpapahalatang may problema.
"Mau.."
"Hm." ngumiti ako paglingon sa kanya. :)
Pero.. di effective. Seryoso parin siya. May problema kaya. ???
"Mau, yung.. abt kay Zeji.." nag-iba ang mood ko. Tungkol nga ba kay Zeji? Naguguluhan ako sa kanya. ??? "Crush mo lang ba siya? O gusto mo siya!?" humarap siya sakin. Seryoso si Pau dito.
"Tungkol ba to dun sa.. nangyari dun sa cafe?"
Nakatitig lang siya sa mga mata ko. Hinihintay niya talagang sagutin ko ang tungkol dito.
"Pau, bakit.. may problema b-" hindi parin siya sumasagot.
"Mabait si Zeji. Alam mo palagi niya akong tinutulungan.." naging malungkot ang mukha ni Pau. " Gusto ko siya.. dahil kaibigan ko siya. At hanggang dun.."
Medyo nasaktan ako sa sinabi ko. Hindi ko alam kung bakit. Siguro masyadong naging malapit sakin si Zeji. At gusto ko talaga siyang kasama.. pagkasama ko siya feeling ko.. Safe ako.
"Salamat Mau, nagtiwala ka sakin." niyakap ako ni Pau.
Bakit ba ang dami-daming nangyayari ngayon? Na halos di ko na maintindihan. Si Zeji? Pau? Kevin? at si.. Andrei?? :-/
Nalalapit na nga pala ang Christmas. Magbabakasyon na naman.
"Ok! Lahat tayo! Aattend ng Party! Maliwanag! Gaganapin yun sa gym!!!"
Lahat ng juniors and seniors magkakameron ng night party sa gabi. Habang ang freshmen and sophomores ay sa umaga. Ang FS sa field with bompfire at ang JS sa gym. Kaya lahat kami nandun.
Kumuha ng iba't-ibang materials ang iba't-ibang section. Magkakameron ng band (Glee Club), mga table, at mga materials para sa Big Christmas Tree. At yung iba.. gaya kong walang ginagawa, tumutulong lang sa paglilinis. Sigh.
"Mau!" may biglang lumapit.
"Masyado mo namang sineryoso ang sinabi ng mga teachers. Wag ka ng maglinis. Gagawin din naman yan ng mga janitors dito. Hehe." tiningnan ko si Angelo at wala nga silang dalang cleaning materials. Pero pinagpatuloy ko ang pagpupunas.. I need to maintain my character.
"Tama na yan! Hikain ka pa. Mawalan pa kami ng manager nito eh." inagaw ni Daison ang basahan ko at basta na lang shinoot kung saang box.
Ako naman dahil wala sa mood. Lumapit dun at hinanap. Pero di yun ang nakita ko.. ang basahan di ko na makita. Sigh. Tapos ngayon.. si Andrei pa ang nakikita ko. Nakatingin siya sakin.. ang tagal na pala naming di nag-uusap. Di ko na nga nakakamusta si Mori. Bigla akong kinabahan.. Thump.Thump. Lalapit si Andrei sakin.. napahakbang ako paurong.. Natatakot parin ako. Ayoko muna siyang makausap-
"Dun nga tayo!"
Biglang hinawakan ni Daison ang kamay ko at hinila ako palayo dun.
"Bakit dito tayo sa stage. Diba.. para sa band to." ???
"Dito ka maglinis! At least dito.. nandito kami!" ??? Bakit ba laging mainit ang ulo ni Daison sakin? ???
"Mau ok ka lang ba? Yung about kay.. anu.. yung sa Halloween Party.. kay.. dun.. Naiintindihan ka namin! Pangako! Ilalayo ka namin kay Andrei!"
Ilalayo? Bakit kailangan nilang gawin yun? Naiintindihan? Anung nangyari at bakit naiintindihan nila ako? :-/
"Sige kuha lang ako ng cleaning materials para makasama ka namin!" umalis si Angelo.
Inayos ko ang salamin ko at umupo na. Pero bago ako makaupo.. biglang hinawakan ni Daison ang kamay ko. Napalingon ako sa kanya.. pero ang lapit ng mukha niya sakin.
"Kung manliligaw ba ako sayo! Makakalimutan mo siya!?" bigla ko nalang naramdaman ang pag-iinit ng pisngi ko. Nagbablush ako. :-[
Umayos siya ng tayo. Hindi na kami ganong kalapit.
"Ang tanga mo palang pumili noh. Ang pinili mo eh yung gaya nun. Misteryoso yun! Di siya nababagay sayo!" tumingin siya sakin ng masama.
"Gagraduate na kami. 3 months after. After this party.. walang pasok. Sa party, gusto kong malaman kung pumapayag ka bang magpaligaw sakin! 3 months! After vacation.. 3 months kitang liligawan Mau! At kakalimutan mo siya!" umalis na siya. Dumating naman si Angelo.
"Mau, dun tayo magsimula." hinigit naman niya ako.
Liligawan ako ni Daison? Paano si Pau, sino ba talagang gusto ni Daison? Bakit kailangan niya akong ligawan? Bakit, gusto ba niya ako? Si Andrei? Si Andrei ba ang tinutukoy niyang dapat kong kalimutan? Alam na ba nila ang nararamdaman ko kay Andrei kaya nila ako naiintindihan? Anung isasagot ko bukas? Papayagan ko ba si Daison dahil di naman kami bagay ni Drei? Pero paano kung.. mahal ko na pala si Drei.. kaya ako nasasaktan. :-\
Quote
1 new message
to: m8-Daison
Pag-isipan mong mabuti. Pag pumayag ka.. hindi kita sasaktan.
Isang gabi lang. Isang gabi lang ang oras ko para sagutin si Daison. Pero ngayon.. nagdedesisyon na ako. Ayoko. Dahil mahal ko si Andrei at ayaw kong gawing panakip butas ang kung sino. Yung ang final decision ko.. pero bakit di parin ako kontento. :'(