1 photo a-2.jpg 6 photo f.png 7 photo g.jpg 2 photo b-2.jpg 3 photo c-2.jpg 4 photo d.jpg 5 photo e.jpg  photo h-1.jpg

NAVIGATION

Love.36

Mabilis dumaan ang araw, At ngayon panibagong taon. Oo na...duwag na ako, takot ako, natakot ako sa mga maaaring mangyari. Kailan lang ba nagsimula ang pagkagusto ko ng sobra kay Drei...paanong napunta ako sa ganitong sitwasyon.

Mahal daw ako ni Kevin, at ngayon...gusto ni Daison na siya ang piliin ko. Bakit? Kailan ko nagustuhan na maging ganito ang sitwasyon ko? Ang tanging kagustuhan ko lang naman ay ang mapansin ako ng taong sobra kong gusto... :'( Pero dun na lamang, hindi na matupad...tapos may ganito pa. Ang gulo-gulo ko na. Hindi ko na alam kung anu pa bang dapat kong gawin...palagi na lang akong tumatakas.

"Hello, Honey, natanggap mo na ba ang package? Aw...namimiss ka na namin ni Papa mo dito. Sana magkakasama tayo noh? Masaya ang White Christmas ko at New Year dahil nakasama ka namin. Salamat Anak. Alagaan mo ng mabuti sarili mo" message ni Mama sa phone.

Kababalik ko lang pala galing ibang bansa. Balik school na uli kasi. Kaso... hanggang ngayon di ko parin naaayos lahat. Sa pagitan namin ni Kevin at Kerlin. Sa isasagot ko kay Daison, ang kinikilos ni Shaoran, at ang pag-iwas ko kay Drei. Sana maayos ko agad.

"Ah?" sabay naming labas ni Kevin sa magkaibang pinto ng apartment namin.

Hindi kami magkatinginan. Ang tagal ko na siyang di nakakamusta. Inayos ko salamin ko at naglakad. Lumabas din naman galing likod niya si Kerlin. Ganito kami palagi simula nung magkalabuan.

Hanggang sa makarating ng school, walang imikan.

"Hi, Mau!" si Pau. Napangiti ako.


"Ang daming nangyari, alam mo ba yun?" ininom ko juice ko. Recess na namin.

"Nakinig ako sa lahat ng sinabi niya. Nasasakal ko na yata siya. Alam mo ba ang sama ng taon ko, nasampal ko siya. Umiyak ako sa harap niya, ang sakit sakit na pala. Pero saka ko lang namalayan." lumeand siya sa wall behind us habang nakatingin sa langit.

"Mahal ka niya yata talaga..." naubos ko na pala ang juice ko.



Nagsimula naman ang mga bagong lessons namin. Naninibago ako. Sa looks ko, sa surroundings ko, parang lahat hindi tama, parang lahat ang gulo gulo.
Love?

Talaga bang masarap mainlove.

"Ahm Bye Mau!" palabas na kami ni Pau ng gate. Dali dali naman siyang tumakbo patungo sa driver niya. Nang mapagtanto kong...nakatitig si Zeji sa Pau na papaalis habang nakaleaned lang sa gate at pinapanood paalis si Pau.


"Parang ang haba ng bakasyon noh? Wala ka nung x-mas party? Sayang .. kumanta pa naman ako nun. Hehe!" ???

Naging tahimik kami habang naglalakad patungo sa walang direksyong daan. Gusto daw niya akong makausap pero ngayong magkasama naman kami, parang wala naman siyang masabi. ???

"Binago mo hairstyle mo? Ang dami talagang nagbabago." gusto ko sanang magsalita pero parang di ko oras.

"Mau, magalit ka ba sa mga pinaggagagawa ko?"

"Ha?"

Sa gitna ng daan, parehas kaming napatigil at napatingin sa isa't-isa. Hanggang sabihin niya ang mga katagang to...





"Kaya mo ba akong mahalin?"

Nagulat ako sa sinabi niya. Pero... mas nakakagulat ang pinahihiwatig ng mga mata niya.

"Hindi ako natatakot bastedin ka Zeji. hah! " parehas kaming natawa.

Oo tumatawa kami ng walang katapusan. Dahil...ang Zeji'ng nasa harap ko...ay iba na.

"Desperada kasi bestfriend mo. Ang tagal kong hinintay na makita ang totoong siya.
Minahal ko na talaga ang bestfriend mong yan." nakahawak siya sa noo habang sinasabi yan.

"Ipaglaban mo siya." nagulat siya sa sinabi ko at ngumiti din naman. Hanggang sa magdecide na siyang iwan ako.



"Nagbabago talaga ang mga tao."

"Mau Antonette?" napalingon ako sa familiar na boses.

Dun...muling nagbukas ang puso ko para masaktan. Oo...ang sakit.

Ang sakit na makita sina Telle at Drei na magkasama.

"Hi!" nilink niya ang kamay niya sa mga braso ni Drei.

Ang tagal ko ng di nakita si Andrei. Ang gwapo niya talaga...sobra kong gusto ang lalaking to sa malayuan. At hiniling ko pa...na sana mapansin niya ako. At ngayong kilala na namin ang isa't-isa...naramdaman ko ang tinatawag nilang...masaktan.

"May kasama ka?"

Ang sayang tingnan ni Telle. Anu kayang reaction ni Drei. Ayoko...ayokong tumingin sa mata niya. Ayokong makita na mahal niya ang babaeng kasama niya. Simula kasi ng araw na yun...mas pinili ko ng iwasan siya. Natatakot ako sa kanya...

Napaurong ako na para bang gustong tumakbo.

"Mau-"

May nasagi ako. Lumingon ako... :o

"Naghintay ka ba ng matagal? Patawad."

"Daison." ang lalaking kinaduduwagan ko.

Palagi na lang siyang nandyan. Sinasalo ako. Mabuti na lang..hindi tuluyang pumatak ang mga luha ko. :-\

"Sige maiwan na namin kayo."

Napatungo ako habang hawak niya ang kamay ko at sa pangalwang pagkakataong na ilayo...kay Andrei. :'( Hinawakan ko ang mata ko, umiiyak na naman ako. Matagal ko na'tong pinigilan diba? :'(

Kinulong niya ako sa mga bisig niya.

"Tumahan ka na." hindi ko mapigilan. Mas lalo akong nanghihina kapag nakikita ko siya.

"Tiningnan mo ba siya sa mga mata?" umiling ako.

"Dapat sinubukan mo." umiiyak parin ako. Gusto ko ng tumigil pero ayaw talaga.




"Matagal kitang hinintay. Pero di ka dumating...g'go ka Mau. Hindi ako ang iyong pinili."

Oo g*go ako! !@#$ ako dahil hanggang ngayon ... minamahal ko parin ang taong imposibleng mapasaakin. Hinding..hindi ako mapapansin ni drei. Hindi niya ako mapapansin gaya ng pagpansin ko sa kanya.
HTML Comment Box is loading comments...