Humiwalay ako sa kanya. Hindi kasi tama na yakap niya ako.
"Aalis na ako." bigla niyang hinawakan ang kamay ko.
"Ang tagal mong nawala, tapos magpapakita ka sakin ng umiiyak? Tara! Mamasyal muna tayo.." bigla rin niya akong hinigit. Tapos dinala niya ako sa mall.
Alam ninyo yun, hindi niya binibitawan ang kamay ko. Ang bilis pa niyang maglakad, hindi ko tuloy maayos ng mabuti ang salamin ko. Hanggang sa...Dalhin niya ako sa sinehan.
"Daison, bakit-"
"Shh! Late na nga tayo sa movie tapos ang ingay ingay mo pa. Wag kang mag-alala, ihahatid kita senyo." napatingin ako sa oras. 6 na pala. Eh anung oras kami matatapos?
Nagsimula na yung movie, Amerikan Movie. Parang...LOVE STORY? Napatingin tuloy ako kay Daison. Seryoso siyang nanunuod ng movie habang kumakain ng popcorn. For real ba syang nanonood ng ganito? O ngayon lang? Ang weird ng lalaking to. Pero... napapangiti ako. Siya ba yan? Back to movie na nga, ang dilim pala dito. Buti na lang gamit ko ang salamin ko. :)
"Ang ganda ng movie noh?" inayos ko salamin ko at tumingin sa salamin, malapit ng mag9.
"Naintindihgan mo ba ang kwento?" napatingin ako sa kanya.
"Oo naman."
"Nakakaawa yung lalaki noh? Nakipagrelasyon lang yung babae sa kanya dahil yung totoong gusto nung babae ay nagkataong kaibigan pala nung lalaki." napatigil ako sa paglalakad. :-\
"Pero alam mo, hindi tama ang ginawa niya. Eh anu kung ginamit siya. Siya parin naman ang boyfriend diba? Hindi ba dapat..." tumigil din siya at tumingin sakin, "ang dapat niyang gawin ay ipakita sa gf niya na siya dapat ang mahalin. Ipakita niya na mahal talaga niya yung babae. Magagawa niyang maghintay sa pag-ibig nung babae...kung mahal talaga niya yung gf niya. Hindi sya magpapatalo, kahit na...ang gusto talaga nung gf ay ang bestfriend niya."
Parang ang awkward ng moment na to. Ang sinasabi ni Daison. :-[
"9 na, siguro uwi na--" sumeryoso ang mukha niya. Parang nasasaktan ako sa mga tingin na yan.
"Kaya ko naman maging panakip butas eh. Ayos lang kahit gamitin mo ako para makalimutan si Drei. Pasasayahin naman kita, Mau.
Mau...I love you." tuluyan ng pumatak ang mga luha ko.
Hindi ko kayang harapin si Daison kaya tumakbo na ako at iniwan siya. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Pero...may isa pa pala akong hihilingin. Hindi ko man kayang balewalain na minahal ko talaga si Drei. Hindi ko man kayang kalimutan agad si Andrei, hindi ko man kayang hindi umasa.. :'( pero sana naman...SANA DALWA NA LANG ANG ANDREI.
Malapit na ang Valentines Day, kaya lahat ngayon busy. Hindi kami masyadong nagkaklase. Gumagawa kasi kami sa ng maraming props...kaya nga busy lahat.
"Mau, anu ba, kanina pa tayo tinatawag ni Sir. Gagawa tayo ng props. Bakit ka ba nagtatago?"
"Ha?" pagtingin ko kina Pau. Nakatingin sila sakin na nasa likod ng pinto.
"Ahahahah! Hindi ako nagtatago kasi..." naglakad na kami sa corridor at kinakabahan talaga ako.
"Daison bilisan mo naman!" nagfreeze ako.
"Sige una na ako!" at mabilis na akong tumakbo nung marinig ko ang pangalan ni Daison. Oo na...umiiwas na ako.
At ang kinalaglag ko, tutulong ako sa mga magpipintura. May mga nakaassign pala bawat group para sa gagawin nila. Tapos kagroup ko pala sina Pau, na siya tong tinakbuhan ko. Kaya ngayon sa mga late ako napasali. Sino pa kaya ang kasama ko...Sigh.
"Mau?" napalingon ako sa familiar na boses. Lumakas ang kabug ng puso ko. Iniiwasan ko nga siya pero we ended like this. Kami parin ang magsasama.
"Nalate kasi ako. So tayo ang magkatulong...for now." nagiging awkward na naman ang scene. Di ko na kaya to.
Inayos ko ang salamin ko at nagfocus na lamang sa props na gagawin namin. Kumuha ako ng lapis at nagguhit guhit. Pero...ang lakas talaga ng kabug ng puso ko. Si...Daison ang kasama ko. Thump.thump.thump. :-[
"Nakita kitang dumaan sa corridor, tapos...nung mapatingin ako sayo," hinawakan niya ang noo niya na parang nadidepressed. "Imagination ko lang sana, pero...Mau iniiwasan mo ba ako?" bigla siyang tumingin sakin.
Ang linaw ng mukha ni Daison. Bakit ngayon...bakit sobrang gwapo niya! :-[
"Ahahah! Hindi noh, tara gawin na lang natin toh." tungong tungo ako habang nagguguhit. Napakaawkward ng scene. Naiilang ako.
Parang gusto ng lumuha ng mga mata ko sa sobrang sikip na ng nararamdaman ko. Ang hirap hirap. Hanggang ngayong kasi...nagtataka parin ako kung bakit ako napapunta sa ganitong sitwasyon. :'(
"Sandali lang huh." I faked a smile without looking at him. Medyo inalis ko ang salamin ko at pinunasan yung namumuong luha sa mata ko...
thump.thump.thump.thump
Saka ko na lamang napansin, na papalapit ng papalapit ang mukha ni Daison sakin... :o At...
Hinalkan niya ang noo ko? :o :o :o
Mga 1 inch lang yung layo niya sa mukha ko pagkatapos niyang halkan ang noo ko. Sa sobrang gulat. Tinulak ko agad siya. At tumakbo agad ako.
:'( Bakit niya ginawa niya yun? Nahihirapan na nga ako eh! Kaasar naman oh...huhu! :'(
Takbo lang ako ng takbo papuntang walang direksyon. Nakatungo habang umiiyak...
*BLAGGGG*
Medyo tumama ang ulo ko sa dibdib ng isang tao. Lumayo ako at nagsorry. Pagtingin ko sa taong yun... :o :o :'( :-\
Si drei..."MAU!!!"
Nung marinig ko ang boses ni Daison biglang lumakas ang pintig ng puso ko. Hindi parin ako makakibo, naistranded ako dahil sa dalwang taong to. :-\
"Mau! Magpakita ka na oh, pangako di ko na gagawin yun!" pagkasabi niya nun. Bigla kong naramdaman na malapit lamang siya sakin.
"Sige...Drei." susubukan ko na sanang tumakbo...Nang...
:o
:-\
Nang bigla niyang higitin ang kamay ko at dalhin sa pinakamalapit na room. Niyakap ako ni Drei. Hindi ko alam kung niyayakap ba niya ko para itago kay Daison...o ako lang tong gumagawa pa ng ibang reason. Hindi ko namalayan. Nakatulala na ako sa dibdib niya habang tumutulo ang mga luha ko. :'(