1 photo a-2.jpg 6 photo f.png 7 photo g.jpg 2 photo b-2.jpg 3 photo c-2.jpg 4 photo d.jpg 5 photo e.jpg  photo h-1.jpg

NAVIGATION

Love.38

Nasa office pala kami. Hindi ko agad napansin.

"Mau?!" nung nawala na ang footstep. Lumuwag naman ang yakap niya. Mabuti na lamang at hindi sumilip sa salamin si Daison.

Pero... :'( Hindi ko parin kayang hindi umiyak. Hindi ko kayang pigilan. Nasasaktan ako. Ang tagal kong hindi siya nakita. :'( At hanggang ngayon, hindi parin ako malinawan. Hanggang ngayon...ang sakit-sakit parin. :'(

"Patawad..." bigla namang nagbukas ang pinto. Pero ako pilit paring pinupunasan ang mga luha ko.

At kahit anung gawin ko. Hindi ko talaga mapigilang hindi umiyak. :'(


"Uy captain! At... manager? Bakit umiiyak si Mau?" tumungo pa ako.

"Ngayon ko lang uli nakitang nagpaiyak si Drei ng babae." tumawa sila.

"Guys-"

"Nagconfess ba si Mau? Haha. At rejected? Haha!" medyo sumeryoso si Andrei.


"Oh JOKE lang.." may kinuha sila sa locker.

"Hindi naman namin alam ang nangyayari eh." bulung bulungan nila.

"Edi wala na ngang gusto si Mau." medyo tumingin ako sa kanila.



"Gusto ko si Andrei!" tumingin silang tatlo.

Ganito reaction nila--> :o :o :o

Mali ba ang ginawa ko? Ayoko lang naman na isipin nila na hindi ko gusto ang taong totoong gusto ko naman. Medyo nagulat din si Andrei. Ngayon...sobrang pathetic ko na. Sawing sawi na talaga ako. Sana...biglang may 'Boom' at mawala na lang akong bigla.

"So confession nga to?"
"Wow pare! First time kong makitang may magconfess kay captain. At first time ko ring makitang nagpapaiyak talaga siya ng mga babae."
"Ganito pala ang feelings pagheartthrob ka sa babae. Kawawa naman." seryoso nilang sabi habang parang naaawa pa.

"Ang lakas mo talaga Andrei.--" medyo napatigil sila. Sumama ang tingin sa kanila ni Drei. >:(


"Mali kayo. Hindi ko binasted si Mau." tumingin siya sakin. Tumutulo parin ang mga luha ko.






"Kasi Gusto ko rin si Mau." ako naman ang nagulat.






Walang umimik.

Walang nagreact.

Walang nagsalita.





Tapos...naramdaman ko yung sakit. Sakit na magkaiba kami. Nasasaktan ako sa katotohanan...naiintindihan ko si Drei. Alam ko kung bakit niya to ginawa. :'( Ayaw lang naman niya akong mapahiya diba? :-\


"So...KAYO!?" may isang naglakas ng loob na magsalita. :o



Walang ulina umimik.
Nakatingin lamang si Drei sakin.
Pinilit kong ngumiti kahit umiiyak parin ako...pero...ayoko talaga nito. Ang sakit sakit na!


"Namisunderstood lang kayo." imahinasyon ko lang ba yun? O totoong nagulat si Drei sa sinagot ko.

Wala naman talagang dapat siyang ikagulat. Ayokong imisunderstood siya.

"Ang gusto ni Drei at gusto ko ay hindi iisa. Mali ang iniisip niyo...kasi *sob* magkaiba ang ibig sabihin namin at wala kaming relasyon!" nahihirapan akong umiyak dahil sa salamin kong suot. Pero mas mahirap dahil nagsisimula na akong humikbi.


"Sige, una na kami." umalis naman sila. Hindi parin ako tumitingin kay Andrei.


"Salamat! Pero hindi mo naman kailangan pagtakpan ang sinabi k--" bigla niyang hinawakan ang braso ko at sumigaw ng ganito.. :'(


"Ganyan mo ba talaga kagusto si Daison!" parang galit si Drei, "o si Zeji. Sigurado gusto ka nun, o si Kevin! Ang dami naman Mau! Hindi ba ako pwedeng sumali!?" medyo nakagat ko na labi ko sa pagpipigil umiyak. Nakita naman niya yun...at biglang lumungkot ang mga mata niya. At binitawan na niya ako.


"Siguro si Daison nga. Kaya ba palagi kang dumadaan sa harap ng court para makita siya. ... Palagi ka kasing nakatingin samin. Sana pala di na lang ako nagpadala sa mga kateamate ko na ako daw yung tinitingnan mo. Sana di na lang kita pinansin... Sana di na lang kita nagustuhan." napahawak siya sa batok niya habang napapatungo.


"Madami na ba sila. Sina Zeji, kevin at Daison...di mo ba magawang paniwalaan ang confession ko. O tama ka nga... Magkaiba ang gusto mo sa gusto kong ipahiwatig. Siguro...gusto mo nga ako. Pero iba sa pagkagusto mo kay Daison." tumalikod siya. Nagpipigil parin akong umiyak.



"Kalimutan mo na lang na may nasabi ako." at umalis na siya.


Hmm! *sob* Ang sakit-sakit pala. Ang sakit sakit pala pag sa kanya ko na narinig ang katotohanan. :'( Bakit ngayon ko lang napansin...bakit ngayon ko lang nalaman na kahit na kailan hindi intensyon ni Andrei na saktan ako. Siya... Siya itong nasasaktan ko... :'(
HTML Comment Box is loading comments...