1 photo a-2.jpg 6 photo f.png 7 photo g.jpg 2 photo b-2.jpg 3 photo c-2.jpg 4 photo d.jpg 5 photo e.jpg  photo h-1.jpg

NAVIGATION

Love.39

Matapos umalis ni Drei. Agad din naman akong lumabas ng Office. At dahil wala pa mga kaklase ko at busy sa paggawa ng props. Kinuha ko na agad ang bag ko, bag ko lamang.

Umiiyak akong pumunta sa clinic. Nagsinungalin akong masakit ang mga tyan ko kaya ako umiiyak. At hindi na rin ako nagpaabalang magpahatid. Agad ko naman yung pinakita kay guard kaya agad din niya akong pinalabas. Wala naman kasing nakahalata sakin. Dahil sa tungong tungo ako, natatakluban pa ng buhok ko ang buong mukha ko.

Kaya pagdating ko sa bahay, hindi agad ako nagdalwang isip na humiga at niyakap ang mga unan ko. Patuloy parin sa pagluha ng mga mata ko. Talagang nasaktan ako...ang sakit-sakit. Ang tagal ko ng di umiyak ng gaya nito. Hanggang sa di ko namalayan na...


dumating si Kevin.

Niyakap niya ako ng mahigpit.

"Tahan na."


Dun.. mas lalo ko lang naramdaman ang sakit sa mga pinaramdam niyang yakap. :'(



2 araw na pagkatapos mangyari yun sa pagitan namin ni Andrei. At 2 araw narin at Valentines na namin. Sigh.

Ayos na kami ni Kevin kahit hindi ko naman maalala kung bakit makita ko na lamang na nakayakap ako sa kanya habang umiiyak. Dun ko rin napagtanto, na...si Kevin lang ang nag-iisang tao na lubos na nag-aalaga sakin. Pero, kasalukuyan, iniiwasan naman ako ni Drei. At si Daison? Imahinasyon ko lang ba o talagang hindi ko na sya napapansin dahil parati na lamang si Drei ang nasa isip ko. Sigh. Ang gulo gulo.


"Recess muna tayo?" sabi ni Rica. Sang-ayon naman kami.

Puro junior at senior ang nasa canteen. Madaming tao. Kaya tigigisa kami ng binili. Drinks ang akin. Masyadong siksik kasi lahat pagod kaya ganyan kadami. Papalayo na ako para bumili...pero...

"Anu? Lemonade ba? O softdrinks?" ang bitbit ni Drei ay tea? Magkaparehas kami.

Napakagat labi naman ako. Tuwing makikita ko sya. Parang tipong sya lang ang pinapakita ng mata ko at lahat...blanko. Mahal ko talaga ang taong to. Minahal ko talaga sya. Pero...naging bulag lang ako all the time.

"Tea? Malamig sya ngayon ah! Okay yan! Ang init naman kasi."
"Hm *nod* dami natin ginagawa."

Wala na naman bisa ang pagiging manager ko sa kanila dahil wala na silang tournament. Sa next school year na uli. Kung saan 4th year na ako at wala na sya.

"Uy si Zeji!" pagmagbabanggaan naman ang mga tingin namin, agad naman syang umiiwas.

Pagmagkakasama naman sila ng team at babatiit ako ng iba. Ang layo naman ng tingin niya.

Pagnagkakataon na parehas kami ng lugar, umaalis sya. Imahinasyon ko lang ba yun? Pero pagtinititigan ko sya, parang bumalik lang ako noon. Na tinitingnan sya sa malayo...pero di naman sya lilingon. Galit talaga sya. :-\

"Hm?" may napansin ako. "Nasan si Pau?!" walang kabuhay buhay nila akong tiningnan.

"Kanina ka pang tulala, kaya hayun di mo nakita na sinundo sya ni Zeji."
"Bagay pala sila noh. :D " ginagawa ni Zeji ang part niya. Ang galing, mabuti naman at narealize niya, at masaya ako para kay Pau.

"Mau!" napatingin ako sa kaklase kong lalaki. May tinuro naman sya sa may pintuan. Babaeng iba ang uniform. At... :o

si Telle? :-\



Agad akong tumakbo. Hinanap ko si Drei. Kahit saan hinanap ko sya. Pinagtanong tanong ko sya sa lahat. Alam ko na kasi ang totoo...

'Nung malaman ko ang pangalan mo, natakot ako. Kasi ikaw si Mau,' anu naman kung ako si Mau. 'Ikaw ang dahilan kaya hindi niya tinuloy ang panliligaw niya sakin. Hanggang sa tinuring na lang niya akong kaibigan. Special nga ang turing niya sakin, pero...ikaw ang palagi niyang kinukwento. Gusto ka niya. Nagustuhan ka niya.' so totoo. Nasan ka Drei! :-\

Nakarating ako sa room nila. Hingal na hingal akong sumilip sa salamin. Pero nung mapansin kong wala naman sya...naglakad na lang ako papuntang rooftop. Pero... :o habang naglalakad ako. Natagpuan ko yung pinto nila na bukas. May tao? Pagsilip ko. :) Nandun si Drei.


"ANDREI!" bigla kong sigaw pero nasa labas lang ako. 'Nalaman din kasi niya na may karelasyon ako habang nanliligaw sya. Pero alam mo...tinanggap parin niya ako bilang kaibigan. Special parin ako sa kanya. Mabuti ng malaman kong nagustuhan niya ako kahit sa konting panahon...pero ngayon :'( iba na ang gusto niya. Ang first love niya' tuwang tuwa ako habang nakikita sya sa loob. Bigla namang lumuha ang mga mata ko kaya agad ko yung pinunasan.

"Pasensya na. Kung wala kang sasabihin, aalis na lang ako. Ayokong makita tayo-"

"MAARI KA BANG MAKAUSAP!" patuloy parin sa pagluha ang mga mata ko.

"Sige," lalabas sana sya.

"WAG! Wag kang lumabas. Dyan ka lang." mas mabuting nahaharangan kami. Kesa sa makita niya ang itsura ko. Nahihiya kasi ako.

Tumigil sya at seryosong nakatingin sa kawalan. Iyak parin ako ng iyak. Hindi ko naman mapunasan ang mga luha ko gawa ng salamin na suot ko. :'( Parang ayoko na. Natatakot ako. Siya na uli ang Drei na noon. Ang Drei na parang di ko na kayang maabot...parang natatakot na ako. Parang napapahiya ako. Wala parin akong lakas ng loob. Baka magalit na naman sya...






"Gusto kita. Gusto kita...gustong gusto." umiiyak parin ako.

Gusto kong maging patas sa pagiging matapang ni Andrei na sabihin ang lahat ng yun sakin. Gusto ko rin na malaman niya lahat ng nararamdaman ko. GUSTO KO SYANG MAABOT.

"Mau, diba--"

"Wala akong gusto kahit na kanino, KUNDI IKAW LANG." tuluyan na syang lumingon sakin. Napatungo ako at umiiyak parin.

"Palagi kitang tinitingnan. Ang lalaking yun." nung first time kitang makita when I was grade 6. "Ang lalaking naglakas loob na tumulong sakin kahit yung mga kasama niya pinagtatawanan na ang isang AKO. Akala ko wala lang. Isa ka lang sa mga simpleng tao. Hanggang sa lumipas ang isang taon. Nakita muli kita...at HINANGAAN.




Palagi kong hiniling na sana lumingon ka. Lumingon ka at pansinin mo ako." hawak ko ang dibdib ko habang umiiyak.

"Tapos...isang araw. Pinaglapit tayo ng tadhana. Akala ko with that, mapapansin mo na ako. At least tumitingin ka na sakin kahit may reason. Ako ang manager niyo. Pero...marami palang nag-uugnay satin.... ang table, si Mori, at ang team. Lahat ng yun... kinatuwa ko. At hiniling ko, sana tuluyan na kitang maabot. Sana maging akin ka!"

Naramdaman kong papalapit sya. Kaya agad akong lumapit sa pinto. At pinigilan syang buksan to. Kita ko sya sa salamin. Ang taong...MAHAL KO.

"Mas mabuti ang ganito. Dito naman tayo nagsimula eh. Malayo talaga tayo sa isa't isa. Palagi lang kitang titingnan sa malayo...







MAHAL KITA, ANDREI." pinilit kong ngumiti.








Nang bigla niyang buksan ang pinto at higitin ang kamay ko papasok sa room nila at niyakap niya ako. NIYAKAP NIYA AKO NG MAHIGPIT.
HTML Comment Box is loading comments...