1 photo a-2.jpg 6 photo f.png 7 photo g.jpg 2 photo b-2.jpg 3 photo c-2.jpg 4 photo d.jpg 5 photo e.jpg  photo h-1.jpg

NAVIGATION

Love.4

"Ate Mau bakit di pa nagkakagf si Kuya Kevin? 16 na siya at 3rd year narin?! Sasayangin lang niya ang highschool school life niya ng single? Baliw talaga ang kuya ko." umirap pa si Kerlin. Siya ang kababatang kapatid ni Kevin. 1st year highschool na siya. Medyo malayo ang room niya sa room namin kaya di kami masyadong nagbabonding sa school.

Inayos ko ang salamin ko't sumubo na lang.

"Kung kayo na lang kaya?" napatingin lang ako sa kanya.

"Simula pagkabata naman tayo-tayo na ang magkakasama. Nahiwalay lang ako dahil highschool na kayo nung oras na yun. Atsaka crush mo naman si Kuya nun diba?"

"Si Kevin lang naman po kasi ang kaclose kung lalaki. Pero pasalamat narin kay god, dahil binigyan na nga niya ako ng nag-iisang lalaking kaclose ko ay gwapo pa, matalino at masipag. Gentleman at sobrang bait!" kung di siguro nailang sakin si Kevin nung grade 6 kami. Wala siguro akong kakilalang Andrei sa buhay ko. Wala naman kasi akong interesado sa lalaki. Pero nakakapagtaka at nagustuhan ko ng sobra si Andrei nang hindi ko man lang siya nakikilala.

"Ang tanga-tanga naman kasi ni Kuya. Eh cute ka din naman."

"Naku.Naku. Hindi ako cute. Bukod sa may eyeglasses na ako, may bangs pa ako na medyo di na maaliwalas tingnan mukha ko. Look at me, ni di na nga ako makita sa sobrang liit ng mukha ko dahil sa bangs na'to. Tapos ang gulo pa ng buhok ko, tinatamad akong magsuklay." nakahalumbaba lang siyang nakatingin sakin.

"Cute ka talaga Mau. Yan nga assets mo eh. Yang bangs mo. Yang ugali mo. Ang dami mo kasing personality." namula ako. Kaya kumain na lang ako. Kaso nakakadistract talaga tong si Kerlin.

"Luto yan ni Kuya Kevin." saka pa ako naubo nung naubos ko yung pagkain.

"Palagi ka pang dinadalaw ni Kuya sa apartment niyo para lang ipagdala ka ng pagkain o kaya para mag-imis. Tapos si Kuya rin yung nagpapaalala ng mga bagay na importante na nakakalimutan mo naman. Ang galing noh!" inimis ko na yung pignagkainin namin para maghugas. Wala dito si Kevin dahil nasa bahay siya ng isa sa mga kaklase namin, gagawa sila ng tarpuline para sa cheers namin sa basketball team. Kaya lagi siyang busy.

"Kung magustuhan ka ni Kuya. Magpapaligaw ka ba?" hindi parin ako tinantanan ni Kerlin. Ramdam ko talaga ang pag-iinit ng katawan ko sa hiya.

"Anu ba yang sinasabi mo. Haha.. Tingnan mo nga, ako at si Kevin," inayos ko ang salamin ko. "Mukha kaming Nerd Couple. Haha. Kung magsasama kami, para kaming weird na parehong malabo ang mata." natawa ako. Ako lang ang natatawa. Napatingin ako sa kanya ng parang 'Anu'

"Hindi naman talaga malabo mata ni Kuya. Ginagamit niya narin yun pangsuporta. Kung minsan talaga kailangan niya ng salamin. At ikaw, Ikaw ang talagang malabo ang mata! Di ka nga pwede sa madilim e." nagpout ako. Tapos nilagyan ko siya ng bula sa ilong hanggang sa nagkakulitan kami at hanggang sa.. Nakatulog na kami parehas at sa apartment pa nila Kevin ako nakatulog.



At kinabukasan, nadatnan ko na lang sarili ko na nasa kama ako ni Kerlin. Magkatabi kami kaso tulog pa siya. Lumabas ako ng kwarto, nakita ko ang lababong malinis na. Hindi ko kasi yun naayusang hugasan, siguro si Kevin din ang nag-ayos nito.

Nag-iwan na lang ako ng note sa ref nila at bumalik na ako sa apartment ko. Buti na lang at sabado ngayon.

"Hi Kevin!" sabi ko nung pagkabukas ko ng pinto ko at eksakto palabas naman siya ng pinto ng apartment nila.

"Saan ka punta?"

"Sa supermarket. Bibili ako ng makakain natin para mamaya."

"Samahan na kita!" hindi na siya nagtaka dun. Palagi ko naman to ginagawa eh. Atsaka may dahilan naman talga ako kung bakit ako sumasama sa kanya.


"Salamat nga pala kahapon. Kahit binilin mo na si Kerlin sakin ay ikaw parin ang gumawa ng paghuhugas. Sori at salamat!"

"Sanay na naman ako. Sige dun muna ako!" nung umalis na siya agad naman akong pumunta sa pet shop.

"Uy Drei, bakit ba ayaw mo pang iuwi yang si Mori!?" si Andrei. Palagi niyang binibisita si Mori. :) Ang gwapo niya talaga. Mabuti na lang at malapit lang tong market sa shop.

"Alam mo namang may nagmamay-ari kay Mori diba?"

"Ah- si Mau. Kilala mo ba siya?" nakaramdam ako ng kaba. Ang lakas at ang bilis ng heartbeat ko. Tiningnan ko siya. Yakap lang niya siya Mori, hindi siya nagsasalita, hindi niya sinagot. Hanggang sa naisip ko na lang na umalis.

"Nakabili ka ba?"

"Ihm. Heto!" :)


Hindi naman ako umaasa ng mararamdaman niya rin tong nararamdaman ko. Ang gusto ko lang, kahit papaano tumingin siya, mapansin niya ako at atleast masingit ako sa puso niya. Kailan ba yun? :( Hanggang ganito na lang ba ako?
HTML Comment Box is loading comments...