Hanggang ngayon.. di parin naalis sa isip ko ang familiar na boses na yun. :)
"Mau." ang sarap pakinggan ng sarili mong pangalan kung sasabihin 'to ng special someone para sayo.
"Bakit mo tinatawag ang pangalan mo?" nagulat ako kay Kerlin. Nasaan ba to kanina?
"Wala lang. :) Naiimagine ko kasi kung tatawagin ba ako nung taong yung sa pangalang yun, mas magiging special siguro pangalan ko."
"May kinagugustuhan ka na bang lalaki?" nilamig akong bigla. Nasa balcony kami pero pinagpapawisan ako ng malamig. Nag-init yung pisngi ko kaya nagkunwari akong nag-aayos ng salamin.
"Ipakilala mo siya sakin huh-"
"Hoy Kayong Dalwa Kakain na!"
"Nandyan na!~" ipapakilala? Hindi ko nga siya kilala eh. :(
"Sige na! Mau.. sumali ka na rin! Mau~" pamimilit sakin ni Pau. Kanina pa siya simula nung matapos ang 2 subject namin ngayong umaga. Tama, panibagong araw na ngayon. At gusto niya rin akong sumali sa Glee Club na exclusives for Music. At sasali siya.. kasali siya sa choir kaya ayan ata at gusto ring sumali dito.. Pero kung kayo ba ako, sasali kayo lalo na't nandun yung taong pinakagusto mo? Diba nakakailang yun? :-[
"Tulungan na lang kitang magbigay ng form. O di naman kaya ako na lang magbibigay, ganun din naman mangyayari e kahit sumali ako."
" :P hehe.. Alam mo namang takot ako sa mga lalaki diba?" sabi niya with matching nahihiyang action pero ang cute niyang tingnan. Hindi oa.
"Ok! Basta wag mo lang akong pipilitin. :)" ngumiti naman siya. Kahit di sabihin ni Pau, alam kong ayaw niya akong sumali, ewan pero di ko maintindihan ang nakikita ko sa mata niya. At kahit ayaw niya, ayaw ko rin naman. May kasabihan nga, 'Ang tunay na nag-aanyaya, sinasamahan ng hila' tama ba ako? ;D ;D ;D
Pumunta na ako dun sa may Table nung Club na yun. Nandun nga ang 5 member ng Dred Team, wala dun si Andrei, alam kong may klase sila, 4th year kasi siya. Pero, nakita ko na nandun yung flirt na ewan, nagskip siya ng class?
Pipila pa pala. Pero parating palang ako, nagtawanan na sila. Nung una di ko pinansin, siguro nagkataon lang na kahit eksaktong dating ko sila talaga natawa pero nakatingin sila sakin. Magpapakatanga ako.. pero.. di na talaga kaya ng timpi ko.
"Hahaha..malabo kasi mata eh, hehe, bwahahaha!" yung iba nagpipigil lang pero yung isa, halatang nag-eenjoy sa pagtawa, hindi sana siya mapagod.
"T-tama na nga," bumunot na ako.
"Heto nga." nagpakainosente muna ako. Ayokong magalit.
"Kunin yun!"
"Ayoko nga."
"Ikaw nga."
"Umiyak pa yan eh."
Nag-hihintay parin ako na kukunin nila yung form. Kahit di ako tumingin kay Zeji, nasisinagan ko parin siya. Halatang ungentleman, nagpapakawalang pake siya, bakit di na lang siya tumawa! >:(
"Heto oh," sabi kong muli. Pero nagpipigil parin sila sa pagtawa. Hindi ko man magets ang dahilan ng pagtawa nila pero isa lang alam ko, Ako yun! May isang nagpumilit tumayo kahit nagpipigil sa pagtawa. Kinuha niya ang form ni Pau nang basta-basta, ang bastos. Saka ko napansing, pati yung iba nakakapansin. Napapahiya na ako dito.
Matagal narin, bago ko to maramdaman.. >:D
"Sandali nga lang, may dumi ba sa mukha ko?" :) naagaw ko ang atensyon ng lahat kahit mahina lang boses ko. Humarap ako sa limang lalaking yun, and I smirk at them.
*laughter*
"Ahahaha! Hindi Miss, salamin meron ka! Anu ka ba!" tumawa siya ng tumawa. Yung iba niyang kasama nanahimik na.
"Paano kaya natin makikita mukha niya e halos matakluban na yun ng bangs niya at mahaba niyang buhok. Sadakong may salamin, ahahaha!" napangiti yung tatlo. Bulong yun.
"First time kong makatanggap ng username, you know." tumingin siya sakin. Parang nakaramdam narin siya. :)
"Pwede ba, wag kang epal. Umalis ka na nga!" >:( argh. epal pa talaga hah! nakakaasar! nakuuu.. *killer smile*
"Miss.Miss, pwede ba kami naman?"
"Hmf!!!" umalis na ako. at nagwalk-out. pero hindi parin ako satisfied kaya lumingon parin ako.
"Akala ninyo naman kung sino kayo!!! ang papangit ninyo naman!" sinamaan ko sila ng tingin at agad na tumakbo. pero pagtingin ko sa dinadaanan ko, *BOOM*
Nabangga ako sa malaki at matabang poste. at mukha ko pa atlaga ang unang bumangga. he next thing I know, noo ko pala ang tumama. as in ang sakit. at...nakakaramdam na ako ng konting dizzy. at parang kahit anong oras na lamang ay mahihimatay na ako.
"Uy, tanga! anong ginagawa mo." pagkatingin ko sa ilong ko. may naramdaman akong likidong umaagos sa ilong ko. pula? :o :o :o OH-OH!!!!
*stun*
Hindi ko na alam ang nangyari basta natagpuan ko na lamang yung sarili ko pagkatapos ng 3 oras sa clinic. unang una ko palang nakikita ay ang orasan na nasa mataas na parte ng pader. argh! ang sakit ng ulo ko. napahawak naman ako. OUCH! ang noo ko. pagtingin ko sa salamin.
O_O ???
Oh my~ naaksidente nga pala ako. Toink! ag careless ko talaga, nung isang araw pa ako ah? (-.-)
Nakalimutan ko rin, na may phobia nga pala ako sa dugo kaya ganon na lamang yung naging reaction ko. sigurado pinagtatawanan na ako ng mga lalaking yun. hmpf! nakakainis ... pero... kilala sila ni Andrei diba? paano kung---
"maaari ka ng umalis."
"pagkatapos ko siyang dalhin dito, ganyan ang sasabihin mo." may narinig akong usapan na mukhang nag-aaway sa labas ng clinic. siguro bukas ang pinto kaya malakas. may kurtina naman kasi bawat kama. ??? pero sino yun?? ahm.. si kevin yung isa diba?
"May kasalanan ka din diba?"
"Pinagtitripan namin siya. pake mo?" agad kong binuksan ang kurtina at lumabas ng clinic.
at tama ang hinala ko. siya nga!!! galit na galit ako!!! trip! ano ako laruan.
"Mau?" lumapit ako sa lalaking yun at...
*SLAP*
"ang kapal mo.."