1 photo a-2.jpg 6 photo f.png 7 photo g.jpg 2 photo b-2.jpg 3 photo c-2.jpg 4 photo d.jpg 5 photo e.jpg  photo h-1.jpg

NAVIGATION

Love.7

"Tsss.. yun na yun. ang galing.. pagkatapos kitang dalhin dito--- ikaw na nga ang tinulungan! pagkatapos mong mahimatay." pinagtaasan niya ako ng boses. at mas lalo lang akong nagalit---

*PAKKKK*

nagulat na lang ako nang may biglang lumagutok. :O este, bigla na lang siyang sinuntok ni Kevin at napaupo naman yung lalaking yun.

"Hindi mo kailangang gawin yun. KASI KAHIT ANONG ORAS, darating ako para kay mau.!" tumayo naman yung lalaki at sinuntok din si Kevin. O_o

"Ganon." hanggang sa nagkasuntukan na sila.

"sandali. huy! ano... tumigil" suntok dito. suntok doon.

"Kevin. at ikaw... tumigil na sabi..." hindi parin sila tumitigil. nakakatakot.. baka..

"huy!" naisip kong biglang sumingit sa gitna nila. nakakagulat na nga lamang at.. SUSUNTOK PALA YUNG ISA. o_O Patay ako!!!

Pumikit ako.

"argh! bakit ka ba harang ng harang!" sabi nung lalaki. wala akong naramdaman sakit. pagmulat ko ng mata ko. halos nasa salamin ko na yung kamao niya.

"wah!" at bigla na lang siyang papalapit nang wala sa oras. parehas kaming nagulat.

pero mas nakakagulat...



"wag na wag mo yang susubukan." at napaluhod siya sa sahig.

ako naman. kinabahan talaga. muntik na niya talaga akong mayakap. :[

tiningnan lang niya kami, at umalis.

tok.tok.tok.tok.

nagbukas naman kaagad ang pinto. At mabuti na lamang at si Kevin ang nagbukas. Nakatungo ako at hindi makatingin sa kanya. Medyo nagtataka pa nga sya e.

"May kailangan ka ba Mau?" hindi parin ako makatingin at nililikot ko lang ang mga daliri ko saking likod.

"Kev..." tinulak ko sya sa loob at napaupo naman sya. Ganon din ako, napaupo at maiyak iyak na.

Wala akong kwentang kaibigan. Si Kevin na lagi na ngang nandyan ay palagi ko na lang nabibigyan ng problema. Palagi na lang nya akong tinutulungan. Pero ako...heto binigyan na naman ng problema. Ni di ko man lamang sya matulungan.

"Mau?.."
"I'm sorry."
"Huh."
"Dahil sakin kaya ka naguidance. I'm sorry. Sorry..." umayos sya ng upo. At saka ko lang namalayan na umiiyak na pala ako..

"Sorry..." naramdaman ko ang paglapat ng mga balat namin. Niyayakap ako ni Kevhin. ???

"...shh~ alam mo naman na ayaw kong nakikita kang umiiyak ka diba?" naaamoy ko sya. Ramdam na ramdam ko sya. Ang init ni Kevin. Ang bilis ng tibok ng puso nya.

...

:[ tibok ng puso? ... bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko. At nag-init ang aking mga pisngi.

Hindi parin bumibitaw si Kevin. Napaisip tuloy ako kung ano bang iniisip nya sa mga oras na'to. Bakit ba nya to ginagawa? Kevin... waaaaah! Gusto ko ng kumawala. Nag-iinit na talaga ako. :[

"Mau..." lumuwag ang pagkakayakap nya.

nang...




*BLAGGGG*

"*yawn* Kayong dalwa! Kung may binabalak kayo, siguraduhin nyong hindi na ako tulog huh! Pinaghihintay nyo ako sa wala eh! Kung mambibitin lang kayo ng eksena, DAPAT DI NYO NA YAN GINAGAWA!" agad kaming lumayo sa isa't isa pagkarinig ng boses ni Kerlin.

"Aish~ tutulog na talaga ako." ang bilis ng tibok ng puso ko. :[

"Akala ko tulog na sya." bulong lang ata dapat yun ni Kevin pero dinig na dinig ko parin. Mas lalo lang akong kinabahan. :[

"Sige...Alis na ako Kevin." ang init init ng pakiramdam ko.






"Sige ingat ka."
HTML Comment Box is loading comments...