1 photo a-2.jpg 6 photo f.png 7 photo g.jpg 2 photo b-2.jpg 3 photo c-2.jpg 4 photo d.jpg 5 photo e.jpg  photo h-1.jpg

NAVIGATION

Love.9

Matapos ang nangyari. Hindi na ako mapakali sa mga pinaggagagawa ko at gagawin ko.. Takot ako sa crowd, ayokong najujudge ako.. pero mga 5 hours something.. Mararanasan ko na ang mga yun. Mag-aaudition ako.. WaaaAHh! Mapapanood ako ng lahat! Ng maraming tao..


"Katapusan ko na." hindi ba dapat maging masaya ako kung makasali ako sa Club na yun, hindi lang ako makakapagperform kasama ang Dred Team pero.. Atleast dun.. makakasama ko si Andrei. ::D

:( Pero kailangan ko bang magsakripisyo?

"Hindi ko akalain na hanggang huli.. kakailanganin parin natin magkaganito." malungkot na sabi ni Pau habang inaabot niya sakin yung fav. drinks ko, lemon juice.

"Don't worry, sigurado naman ako na makakapasok ka! Kung napili ka nga dahil sa form na binigay mo.. paano pa kung kakanta ka! Napakagaling mo kayang kumanta!" hinawakan ko ang kamay niya. Hinawakan niya rin ang kamay ko. :)

"Salamat Mau." napatingin ako sa mga kamay naming magkahawak. Ang init ng mga kamay ni Pau.

"Pasensya ka na!" binawi niya ang kamay niya. Ngumiti siya at umalis na lamang.

Gusto kong sabihing matalik na kaibigan ko siya. Na tinuring ko talagang kaibigan si Brei.. kaso.. Paanong paraan?



Lahat kami ay pumunta sa library. Nakita ko si Pau sa bench, talagang ginagawa niya ang lahat sa pagkanta. Papasok na kami sa library nang biglang nag-SHH! si Mrs. Librarian. Grupo ng mga lalaki..

"Uy kayo! Section 4-A, wag nga kayong maingay!" 4-A.??? :o ???

"Kayo naman Mam eh, kami lang nandito at kayo. Diba kayo natatakot na palaging tahimik.. balita ko pa.--" hinampas ni Mrs. Glorriane yung guy na nagsalita. Nagtawanan sila. Tinawag naman ako ng mga kaklase ko, nakahanap na sila ng mauupuan.

"Nandito rin ang 3-A kaya tumahimik na kayo at wag magulo, huh?" napatingin samin ang 4-A debale dun sa isa. 5 lalaki, yung isa dun.. Taga dread team. Tumingin siya sakin. Nagfreeze naman ako ng magkaeye-to-eye kami. Inalis na niya yung tingin sakin. :-[


"Mrs. Glorriane, paresearch din po nito. Kailangan po kasi namin to." tumingin na ako sa libro ko para hanapin yung topic. Sinulat ko yung mga important details.


"Mabuti pa si Daison, atleast kailangan talaga ang library."
"Naku! Nagpasama nga po yan eh!"
"5 libro po kailangan namin, Mrs. Glorriane!"

"Uy Andrei, kung di ko pa maaalala, makakalimutan mo pa. Edi nagkataong wala pareparehas tayong ass."

"Ahahahaha!" napatigil ako. Nandito si Andrei. Ibig sabihin..

"Aba, tahimik sabi."

"Sorry Mrs. Glorriane." ang lalaking di man lang humaharap na yun ay si Drei. Talagang wala siyang pakealam sa iba.

"Heto na!"

"Salamat po." umalis na silang may tigigisang libro. Napatungo ako nung dumaan sila sa harap namin at nilingon din naman sila agad. Hindi talaga siya tumitingin. Isa lang talaga ang prioridad niya. Ganon ba siya kawalang-pakealam sa babae? :(

Pumunta naman kami sa Geometry's Classroom namin. May sarili kang room sa Math pag si Sir Oligar ang teacher mo. Umupo na kami pagkatapos naming maggreet. Kinuha naman namin yung activity sheet. Nung makuha ko yung akin, habang sinasagutan ko yung sheet ko.. may naaninag akong something. Inurong ko ng konti yung sheet ko. At nakita ko yung nakasulat. :o :D

Quote

"Inis ka rin kay Sir?"



May nagreply sa drawing ko. :o Naramdaman ko yung heartbeat ko at sobra akong natuwa. Hindi ko man alam kung sino ang taong nasa likod nito pero.. Nakakaramdam ako ng sobrang tuwa. Ang babaw ko noh, :P

Quote

"Konti. Pero masyado siyang wrong timing magtawag ng studyante pag-recitation."



Nireplayan ko naman siya.

"Ok pass your answer sheet." mabuti na lang at nakaabot ako. Papaalis na kami nang..

"Uy Drei, turuan mo ko ah."

"Nandito yung mga sagot, pg. 94." sila? Si Andrei.. Kay Sir Oligar na classroom, ang 4-A din. Ibig sabihin ba nito,.. may posibilidad na.

"Good-afternoon 4-A."

"Good-afternoon Sir!" nagsarado na ang pinto.

Gusto kong malaman.. :-[

"Mau tara na!"
"Oo!" kung saan nakaupo si Andrei. At sino sa 4-A students ang nakaupo sa table ko? Sino yung taong yun? ??? :(
HTML Comment Box is loading comments...